"Friends lang"- Nakakakilig na Wedding Proposal ni Arci at JM, Isang Malaking Prank Lang Pala!

Talaga namang nakakakilig isipin na maaari mong makatuluyan ang iyong best friend. Lalo pa’t kung matagal na kayong magkakilala at kabisado niyo na ang isa’t-isa. Dahil dito, hindi na nakakapagtaka kung bakit maraming magkaibigan ang nagkakatuluyan matapos magkamabutihan. Isa na sa kanila ay ang celebrity best friends na sina Arci Munoz at JM de Guzman.

Noong April 4, ilang araw makalipas ang April Fools’ day, maraming fans ang kinilig sa pinost ni Arci sa social media. Sa Instagram, nagbahagi ang Kapamilya actress ng nakakakilig na videos at photos ng di umano’y wedding proposal sa kanya ni JM. Sa Boracay naganap ang nasabing proposal, habang kasama nila ang pamilya ni Arci.

Read Also: Ivana Alawi, Handang Harapin ang Kaso Laban sa Kanya Matapos ang Kanyang Pulubi Prank

Nagkaroon pa ng hashtag na ‘from best friend to lovers’ si Arci at JM. Dahil dito, maraming netizens ang talaga namang kinilig sa tambalan nila! Ngunit ilang araw bago ito ilabas sa social media, may panibagong hirit na naman si Arci! Sa pagkakataong ito, hindi mapigilang malungkot ng mga fans matapos malamang isang prank lamang pala ang lahat.

Sa kanyang vlog noong April 5, nilinaw ni Arci na isang prank lamang ang lahat. Totoo raw na mayroong nag-propose, ngunit nais muna nilang gawing pribado ito. “Just really glad that the whole family was able to witness this beautiful moment. on me vlog tomorrow.”

Sa kabilang banda, nalungkot naman ang mga fans sa balitang ito. Maraming netizens ang kinilig nang aminin ni Arci at JM ang kanilang relasyon, dahil hindi maipagkakailang bagay na bagay silang dalawa. Kaya naman nang linawin ni Arci na isang prank lamang ito, hindi mapigilang malungkot ng mga fans sa social media.

Silipin ang kanilang reaksyon at komento dito:

“Kaines kinikilig na ako kay Jm De Guzman at Arci Muñoz from bestfriend to lovers daw tas ganon umay.”

“Yung pinakilig kami pero Hopia HAHAHAH Daya ni arci muñoz at jm de guzman. Kala ko talaga #frombestriendtolovers na sila.”

“Nagcongrats congrats pako sainyo! Jusko, prank lang pala.. sinayang nyo oras ko sa IG ha! Lahat nalang kamo pinaglalaruan feelings ko. Yawkona!”

Read More: Maxene Magalona, Nagsalita na Tungkol sa Matinding Pinagdaraanan Niya na Sanhi ng Kanyang Pagpayat

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa Facebook.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment