Suplada nga ba? Andi, Sinagot na ang Kumakalat na Rumor na Tumatanggi Siya Laging Magpa-Picture!

Taong 2017 nang tuluyang talikuran ni Andi Eigenmann ang showbiz. Sa ngayon ay naninirahan si Andi sa Siargao kasama ang kanyang fiance na si Philmar Alipayo at ang kanilang tatlong anak na sina Ellie, Lilo, at Koa. Payak at tahimik lamang ang pamumuhay ni Andi at ng kanyang pamilya, ngunit kadalasan ay nakikisalamuha pa rin sila sa mga fans na bumibisita sa Siargao.

Kamakailan lang, nagbigay ng mensahe si Andi Eigenmann tungkol sa mga rumors na kumakalat sa kanya sa social media. May isang fan na nagpahayag ng sama ng loob matapos raw tumangging magpa-picture sa kanila si Andi. Ayon sa netizen, na hindi pinangalanan, dalawang beses na raw silang tinatanggihan ni Andi.

Read Also: 17-Anyos Viva Artist na si Yumi Garcia, Kumpirmadong Binabahay ni Jon Gutierrez!

“This post is not to discredit Andi. I and my guests experienced that we wanted to take a picture with her twice but she didn’t allow us. When you heard about Siargao, one of the things that comes to your mind is their love story so we’re excited to meet and take a picture with them but everything seems to be the opposite.”

Aminado naman si Andi na may pagkakataon talagang tumatanggi siya sa pagpapapicture ng fans, lalo pa’t kung busy siya o kakagising lang niya.

Ngunit maraming pagkakataon rin daw na na nauubos nila ang isang araw sa pagpapa-picture lamang sa mga fans. Bukod pa dito, nanawagan rin si Andi sa mga tao na respetuhin ang privacy nila.

“I also hope that you understand that I’m human also. There are a lot of reasons why I moved here in the island, one of that is the peace, and simplicity, and being able to enjoy this paradise for what it is. Parang ang daya naman kung sabihin niyo sa ‘kin, ‘Kung ayaw mong magpa-picture, ‘wag kang lumabas. Pa’no ako hindi lalabas?”

Ayon pa kay Andi, may mga pagkakataon rin na pinapasok ng mga fans ang bahay nila sa Siargao, lalo pa’t wala daw silang gate. Pinakiusapan niya ang mga ito na irespeto ang kanilang personal space.

“I really, really hope you guys respect our privacy and realize that we’re also humans and we need our to feel when we’re home, we need to feel that we are safe, and that it is a place that we can enjoy being with each other and family.”

Read Also: Jennica at Alwyn, Hindi na Magkasama sa Iisang Bubong! Aktres, Nais Ipatanggal ang Apelyido ng Asawa Niya

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment