Delivery Rider, Nanlumo na Lamang Matapos Hindi Kunin ng Customer ang P15k Order Nito!

Sa kalagitnaan ng pandemic, usong-uso ang food delivery. Maraming tao ang umo-order na lamang ng pagkain upang hindi na lumabas. Kaya naman maituturing na essential workers rin ang mga riders, na handang itaya ang buhay nila para makapaghanapbuhay lang. Ngunit nakakalungkot isipin na may mga delivery riders pa rin ang nabibiktima ng mga scammers.

Nagkalat na rin ngayon ang mga taong mapanlamang sa kanilang kapwa. Karamihan sa mga scammers na ito, oorder ng malaking halaga ng pagkain online ngunit hindi naman ito babayaran.

Sa ganitong pagkakataon, ang rider ang malulugi at mapipilitang mag-abono ng order. Talagang napakalaking abala rin nito sa kanila na naghahanapbuhay lamang ng maayos.

Read More: China Roces, Sinorpresa ng Napakagwapong Manliligaw Niya! Ito na nga ba ang Kapalit ni Tim Sawyer?

Kamakailan lang, isang delivery rider na naman ang nabiktima ng scam. Nanlumo ang rider na ito matapos siyang hindi siputin ng kanyang customer. Ang masaklap pa dito, hindi lang basta-basta ang inorder ng customer, dahil umabot ang halaga ng order nito ng libo libo!

Isang netizen na nagngangalang Zandro Nonato ang nagbahagi ng sinapit ng isang Grab rider na ito. Ayon kay Zandro, hindi raw kinuha ng customer ang mahigit sa P15,000 na order nito na mga pizza at iba pa, kaya naman namomroblema talaga ang pobreng rider.

“Please be aware po sa lahat ng food rider dyan, block nyo na po ang 15 Masigasig street Brgy. Pinyahan. Name ‘Harold Agustin,’ pero hindi po siya nag-order non. Ginagamit lang po yung address at name nila. Pa-share na lang din po. 15k po lahat ng order.”

Maraming netizens ang agad namang nagpaabot ng tulong upang maubos ang order ng Grab rider. Nag-update rin si Zandro sa kanyang post, at sinabing dahil sa tulong ng ilang netizens na may mabuting puso, sa wakas ay naubos na rin ang mga pagkain.

Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 66,000 reactions at 75,000 shares sa social media ang post na ito. Marami rin ang nagpahatid ng tulong sa Grab driver.

Read More: Suplada nga ba? Andi, Sinagot na ang Kumakalat na Rumor na Tumatanggi Siya Laging Magpa-Picture!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment