Kamakailan lang ay nagpaunlak ng pahayag ang celebrity couple na sina Heart Evangelista at Chiz Escudero kay Karen Davila. Marami silang napag-usapan, at kabilang na dito ang ex ni Heart na si Jericho Rosales. Tinanong rin ni Karen si Chiz kung papayag ba siya kung sakaling makaka-trabaho ni Heart ang kanyang ex-boyfriend.
Ayon naman kay Chiz, hindi niya pipigilan ang misis niya kung ano man ang desisyon nito. Hindi rin daw niya ito hahadlangan lalo na’t kung alam niya na maggo-grow siya mula dito. Kaya naman hahayaan niya raw si Heart na mag-desisyon kung nais pa niyang makatrabaho si Jericho o hindi.


Read More: Netizens, Di Mapigilang Mapansin ang Parehong Sitwasyon ng Ex ni Paolo Contis na Sina LJ at Lian
“It’s up to you. If it will make her grow. Again, hindi ako selosong tao. It has nothing to do with my level of confidence. It’s more your or my level of feeling secure, which to large extent she gave me,” dagdag pa ni Chiz. Ayon pa dito, labis ang tiwala niya sa kanyang misis na si Heart.
Matatandaang noong 2005 nagsimula ang pagtitinginan ni Jericho at Heart. Ito’y matapos silang magkatambal sa fantasy show na “Panday.”
Ilang taon ring tumagal ang kanilang relasyon, at noong May 2008 lamang ng ipahayag ng dalawa na tuluyan na silang naghiwalay ng landas.

Ayon pa kay Heart, maituturing niyang ‘great love’ si Jericho Rosales noon. Hindi rin daw maipagkakaila na marami siyang natutunan sa kanyang ex-boyfriend na ito. Sa katunayan, dati ay na-open up niya na rin ito sa kanyang mister.
“Whenever Chiz and I talk about relationships and how there’s a certain person that you’ve learned so much. Or siya yung naging dahilan sa pagiging more of a woman when it comes to having wisdom, it would be Mr. Rosales,” ito ang pahayag ni Heart sa kanyang interview sa PEP Talk noong 2017.


Read More: Yen Santos, Pinaghinalaang ‘Mystery Woman’ na Ka-Holding Hands ni Paolo Contis sa Baguio!
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi na lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment