Yen Santos, Pinaghinalaang 'Mystery Woman' na Ka-Holding Hands ni Paolo Contis sa Baguio!

Kamakailan lang, umugong sa social media ang balita ng hiwalayan ni LJ Reyes at Paolo Contis. Sa kanyang nakaraang interview kay Boy Abunda, kinumpirma ni LJ na hindi na sila nagsasama ni Paolo matapos nilang maghiwalay. Sa kasalukuyan ay nasa New York si LJ kasama ang kanyang firstborn na si Aki at ang anak nila ni Paolo na si Summer.

Hindi man binuking ni LJ kung ano ang dahilan ng kanilang hiwalayan, napaisip naman ang mga netizens kung may third party nga bang involved.

Lalo pang umugong ang mga usap-usapan matapos ma-link si Paolo sa kanyang latest leading lady na si Yen Santos. Sila ang love team sa bagong film na “A Faraway Land.”

Read More: Dalaga, Gumamit ng PowerPoint Upang Ibuking ang Madilim Niyang Sikreto sa Kanyang mga Magulang!

Ayon sa ibang showbiz insiders, may namumuong pagtitinginan sa pagitan ni Yen at Paolo. Mas lalo pang lumalim ang suspetsa ng mga netizens matapos kumalat ang larawan kung saan may kasama si Paolo na ‘mystery woman.’ Sa mga viral photos, hindi makilala ang babae dahil nakatalikod ito.

Base sa mga reports online, namataan sa Baguio at Pangasinan ang dalawa. Mukhang solo trip lang ito dahil wala silang ibang kasama sa mga photos.

Sa isang video, makikita ring magkahawak ang kamay nila habang naglalakad. May naka-spot rin sa kanila sa Manaoag church at sa isang restaurant.

Agad namang pinagpyestahan ng mga netizens ang viral video at photos na ito. Ayon pa sa iba, walang dudang si Yen Santos ito kahit pa nakatalikod.

Marami rin ang hindi mapigilang madisappoint kay Paolo, lalo pa’t handa itong iwan ang anak nila ni LJ para lamang sumugal sa pag-ibig.

Silipin ang mga komento nila dito:

“Garapal mo Paolo. Lj is in pain, wala kang kwentang tao. May karma mga kagaya mo.”

“Grabeeee! Talagang wala silang pakialam kay LJ most especially the kids.”

“Hindi inisip ang anak nyang si Summer. totoo palang may lakaking iiwanan ang anak para sa babae. Ang kapal nyong dalawa!”

“Kapal din ng mukha! Yung isa nag iiiyak sobrang in pain. Kayo lantaran na! Kagigil!”

Read Also: Rudy Baldwin, May Kakila-Kilabot na Pangitain sa Pagpanaw ng Komedyanteng si Mahal

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment