"Hindi Lahat ng Totoo ay Kailangang Aminin"- Julia, Ipinaliwanag ang Linya Niya sa Teleserye

Kahit pa kalagitnaan ng pandemic, patuloy na namamayagpag ang career ng Kapamilya actress na si Julia Barretto. At sa kabila ng mga kontrobersyang kinasangkutan ng aktres, patuloy pa rin ang pagdagsa ng kanyang mga projects. Kabilang na dito ang latest drama teleserye sa TV 5 na “Di Na Muli” na pagbibidahan ni Julia.

Kamakailan lang, naging matunog sa social media ang linya ng character ni Julia sa trailer ng “Di Na Muli.” Tumatak sa publiko ang sinabi ni Julia na: “Hindi lahat ng totoo ay kailangang aminin.” Kaya naman sa kanyang nakaraang press conference ay sinagot rin ito ni Julia.

Read Also: Ex-BF ni Rabiya Mateo na si Neil Salvacion, Isiniwalat ang Totoong Dahilan ng Hiwalayan Nila sa Kanyang PBB Audition

Paliwanag ni Julia, may dahilan kung bakit hindi lahat ng katotohanan ay dapat isiwalat sa publiko. Dahil may mga bagay daw na sadyang mas makabubuti kung isasarili na lang kaysa ipapaalam pa sa iba.

“I think, ano siya, it’s the same as what you don’t know won’t hurt you. Siguro hindi lahat nang bagay kailangan malaman mo para hindi na rin masakit. Nag-iisip ako ng way na sagutin ‘to na bukas hindi siya yung headline eh,” natatawang paliwanag ni Julia.

Sa bagong teleserye na ito ay maka-katrabaho rin ni Julia sina Marco Gumabao at Marco Gallo. Ayon kay Julia, very professional ang dalawa at talagang madali silang maka-trabaho. Kasama niya rin ang beteranong aktres na si Angelu de Leon.

“I have a good experience with them. Parehas naman mabait, parehas na madaling katrabaho, and siguro more than anything, I appreciate na we felt each other’s support. Dahil syemore iba rin yung taping style ngayon eh. Everyday halos ang taping,” dagdag pa ni Julia.

Read More: Coleen Garcia, Proud na Ipinasilip ang Stretchmarks sa Kanyang Never-Before-Seen Pregnancy Photos!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment