Nitong nakaraang buwan lang ay naging usap-usapan sa social media ang rebelasyon ni Lolit Solis tungkol sa talent nitong si Mark Herras. Ayon sa talent manager, nangutang sa kanya ang aktor ng P30,000 para panggatas ng sanggol nitong anak. Ngunit bago niya raw ito pahiramin ng pera ay sinermunan niya muna si Mark.
Marami naman ang hindi nagustuhan ang ginawang pamamahiya ni Lolit kay Mark Herras. Kasunod nito ay nag-step down si Lolit bilang manager ng aktor.
Ayon kay Lolit ay hindi naman niya intensyon na ipahiya ang kanyang alaga. Ngunit dahil sa insidente na ito, mukhang nagkaroon rin si Mark ng iba pang opportunities.


Read Also: “There is hope”- Baron Geisler, May Mensahe sa mga Tulad Niyang Nalugmok sa Bisyo
Kamakailan lang, ibinahagi ng aktor sa kanyang bagong vlog na marami ang nagri-reach out sa kanya sa social media. Kabilang na daw dito ang mga miyembro ng LGBT community, na tila ba nais siyang tulungan sa kanyang financial problems. Ngunit tinanggihan niya ang mga offers nito dahil gusto niyang umiwas sa isyu.
“Before, may nag-i-invite for a date nga lang eh, pero LGBT, so mga ganun. Tapos siyempre, nung nangyari yung recent issue eh ang daming nag-DM sakin. I’m not judging them, pero basically, maganda naman yung thought. I think medyo in-assume ko lang na papunta sa indecent proposal,” dagdag pa ng aktor.

Ibinahagi rin ni Mark na may savings ang kanyang anak na si Baby Corky sa bangko. Kaya rin daw siya nagta-trabaho at kumakayod ay para na rin matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Thankful rin si Mark dahil sa kanyang bagong proyekto sa GMA.
“Ako siyempre, this is a private thing. Pero ako, yung anak ko, alam ko may pera sa bangko,” pahayag ni Mark.
Matatandaang kamakailan lang ay nag-renew si Mark ng kontrata sa GMA Artist Center. Malapit na rin siyang sumabak sa lock-in taping para sa kanyang bagong teleserye.


Read Also: Jamill, Nagbalik na! Inamin ang Katotohanan Kung Bakit Dinelete ang Youtube Channel
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment