Coleen Garcia, Proud na Ipinasilip ang Stretchmarks sa Kanyang Never-Before-Seen Pregnancy Photos!

Talagang memorable ang pagbubuntis para sa isang ina. Hangga’t maaari, nais nating alalahanin ang bawat minuto ng ating pagbubuntis, kaya naman madalas tayong kumuha ng larawan. Kamakailan lang, ibinahagi ng celebrity mom na si Coleen Garcia ang mga never-before-seen photos niya sa kanyang pagbubuntis kay Baby Amari.

Ayon kay Coleen, nais niyang magbalik tanaw sa kanyang mga masasayang ala-ala noong nagbubuntis pa siya. Kabilang na dito ang mga larawan ng kanyang pregnant tummy. Proud ring ipinasilip ni Coleen ang mga stretchmarks niya noong nagbubuntis siya kay Baby Amari.

Read More: “Aamin ko, naging marupok ako”- Paolo Contis, Inamin na Pambababae Niya ang Dahilan ng Hiwalayan Nila

“Some photos from my pregnancy that I never got to share. I’ve been reminiscing and looking through old photos of this time when it was still just the two of us, and oh how different everything was! We really had no idea what we were in for, not just by having a baby, but by having a baby during THIS time.”

Sa kanyang nakaraang interview, ibinahagi rin ni Coleen na hindi naging madali ang kanyang padede journey kay Baby Amari. Sa kabila nito, nagpapasalamat siya sa kanyang pamilya at mga kaibigan para sa suporta nila.

At kahit pa mahirap ang kanyang pinagdaanan, masaya naman siyang makita na healthy at active ang kanyang baby boy. Nagugulat rin daw si Coleen dahil napakabilis ng araw.

“Still in the middle of a pandemic. Either way, life has been more vibrant than ever, and time really does fly. I’m somewhere between “It’s been a year already?!” and “It’s only been a year?!” and to think I haven’t even made it to the Day 1 Amari photos yet. I’ll cry.”

Umani naman ng iba’t-ibang reaksyon sa mga netizens ang mga larawang ito ni Coleen. Ayon kay Billy, talagang napapangiti na lamang siya tuwing binabalikan ang kanilang pinagdaanan habang nagbubuntis si Coleen.

Read More: Chiz, Diretsahang Sinagot Kung Payag ba Siyang Makatrabaho ni Heart ang Ex Nitong si Jericho Rosales

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment