Luis Manzano, Nagmakaaawa sa mga Netizens na Panoorin ang Kanyang Vlog! Bakit Kaya?

Kamakailan lang, nanawagan si Luis Manzano sa mga netizens na panoorin ng paulit-ulit ang vlog niya. Nitong nakaraan ay nagbahagi ng kanyang “vlog for a cause” ang Kapamilya actor para sa isang batang may sakit. Layunin ni Luis na makatulong sa operasyon ng limang-taong gulang na si Sophia Amano.

Ayon kay Luis, mayroong kinakaharap na malubhang karamdaman si Sophia. Ipinanganak ito na walang butas na labasan ng dumi, kaya naman kinailangang ilabas ang tiyan nito.

Malaki-laki rin ang gagastusin ng pamilya ni Sophia sa operasyon, kaya naman ido-donate ni Luis ang lahat ng earnings ng video sa kanila.

Read More: “Hindi marunong mag-isip yung judge na yun”- Contestant na Pinahiya ni Ruffa G, May Pasaring sa Social Media!

“Please, panoorin nyo nang paulit-ulit dahil lahat ng ito ay para sa kanya. So ang gusto ko po sanang mangyari, lahat ng kikitain ng vlog na ‘to ay ibibigay ko po sa kaniyang pamilya.

Dahil kung saka-sakali man, kailangan po niya ng operasyon. Nabalitaan ko pa na may komplikasyon pa si Sophia, medyo mahirap kailangan gawin para sa kanya,” pahayag ni Luis.

Sa vlog, naisipang i-content ni Luis ang kulitan nilang magbabarkada. Ngunit bago ito ay ibinahagi niya muna sa mga netizens na malaki ang maitutulong nila kung papanoorin nila ang video.

Ayon sa aktor, kahit wala silang pakialam sa kanyang mga barkada ay makakatulong sila kay Sophia sa pamamagitan lamang ng panonood.

Dagdag pa ni Luis, magkakaroon pa siya ng ibang “vlog for a cause” sa kanyang Youtube channel. Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 200,000 views ang kanyang vlog. Maraming netizens rin ang nagpahatid ng kanilang suporta at dasal para sa paggaling ni Sophia.

“Lahat po ng kikitain ng vlog na ito, ibibigay ko sa kanya. Please. Kahit wala kayong pake sa akin, okay lang. Wala kayong pake sa barkada ko na ilalagay ko sa vlog na to, okay lang. Kayo po, napakarami ng inyong matutulungan kahit di po kayo naglalabas ng pera. Hindi niyo kailangan mag-donate, manood lang kayo,” dagdag pa ng aktor.

Read Also: Kris Aquino, May Prangkang Bwelta sa Netizen na Nagsabi sa Kanya ng “Eat More”

Silipin ang buong vlog ni Luis dito:

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment