Rudy Baldwin, May Kakila-Kilabot na Pangitain sa Pagpanaw ng Komedyanteng si Mahal

Noong August 31, nagluksa ang sambayanang Pilipino sa biglaang pagpanaw ng komedyanteng si Mahal sa edad na 46. Si Mahal, o mas kilala bilang Noemi Tesorero, ay pumanaw na dahil sa gastro complications. Kinumpirma rin ng mga kamag-anak ni Mahal ang malungkot na balitang ito sa social media, at bumuhos naman ang pakikiramay ng mga fans.

Ayon sa mga netizens, hindi nila inaasahan ang biglaang pagpanaw ni Mahal lalo pa’t makikitang aktibo at malakas pa ito sa kanyang mga vlogs sa Youtube.

Ngunit ayon naman sa iba, tila nahulaan na ng sikat na self-proclaimed psychic na si Rudy Baldwin ang maagang pagpanaw ng komedyante.

Read More: Sikat na Komedyanteng si Mahal, Tuluyan ng Pumanaw sa Edad na 47

Noong July 26, isang buwan matapos pumanaw si Mahal ay nagpost si Baldwin ng kanyang di umano’y pangitain sa Facebook.

Ayon sa kanyang, dalawang sikat na comedian ang mamamaalam na sa mundo. Inilarawan din ni Baldwin na maaaaring karamdaman ang sanhi ng pagpanaw ng dalawang celebrities na ito.

“Dalawang comedian ang nakikita ko na magpapaalam sa mundo natin. Ang isa ay isang legend sa mundo ng showbiz sa pagpapatawa. Dalawang komedyante ito na karamdaman ang dahilan ng pagkasawi,” pahayag ni Baldwin. Ayon sa ibang netizens, tumpak ito sa sanhi ng pagpanaw ni Mahal, na di umano’y dahil sa gastro complications.

Ngunit hindi lang diyan nagtatapos ang vision ni Baldwin. Bukod sa dalawang komedyante, ibinahagi rin ni Baldwin na mayroong dalawang director, isang sikat na aktor, at kilalang aktres ang di inaasahang papanaw. Sa kabila ng pag-uudyok ng mga fans ay hindi naman niya ito pinangalanan.

Sa kabilang banda, mukhang hindi naman lahat ay kumbinsido sa hula ni Baldwin. Iginiit ng ibang netizens na masyadong ‘general’ ang di umano’y vision nito, kaya naman mas madaming chance na mangyayari ito.

Mas mai-impress daw sila kung papangalanan mismo ni Baldwin ang kanyang mga hinuhulaan.

Read More: Tiktoker na si Whamos, Labis ang Tuwa Matapos Sagutin ng Babaeng Pinapangarap Niya!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment