Netizens, Naaliw sa Simpleng 'Outfit of the Day' ni Paulo Avelino!

Isa si Paulo Avelino sa mga pinakasikat na aktor ngayon sa mundo ng showbiz. Bukod sa kanyang galing sa pag-arte, hindi rin maipagkakaila ang angking kagwapuhan ni Paulo. Kaya naman tinagurian rin ang 33-anyos na aktor bilang ‘girls magnet,’ dahil maraming kababaihan ang nahuhumaling sa kanya.

Kadalasan ay nasanay na tayong makita na nakapustura ang ating mga idolo. Bilang public figures, lagi silang presentable sa lahat ng oras tuwing haharap sa publiko.

Ngunit kagaya lamang natin sila na normal na tao, at paminsan-minsan ay mas gusto pa nilang maging simple na lamang.

Read More: Yen Santos, Pinaghinalaang ‘Mystery Woman’ na Ka-Holding Hands ni Paolo Contis sa Baguio!

Kamakailan lang, nag-trending sa social media si Paulo matapos niyang ibahagi ang kanyang outfit of the day. Aktibo sa Twitter si Paulo, at kadalasan ay nagbabahagi rin ito ng mga selfies niya.

Ngunit sa pagkakataong ito, nagulat ang mga fans sa kanyang selfie, kung saan ipinakita niya ang kanyang pambahay outfit.

Ayon kay Paulo, kadalasan ay simple lamang ang suot niya kapag nasa bahay lang. Ayos na siya sa simpleng shorts at t-shirt, basta’t komportable siya. Napansin rin ng mga netizens na tila nag-iba na ang itsura ni Paulo ngayon, at kapansin-pansin na humaba na rin ang buhok ni Paulo ngayon.

Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang natuwa sa bagong picture na ito ni Paulo. Silipin ang iba’t-ibang komento nila dito:

“Don’t worry! Di ka nag-iisa. Marami tayong ganyan! Yan ang fashion style sa bahay! Kung ano yung gulagulanit yun ang masarap isuot. Ewan ko ba soft pa sa cotton ang pakiramdam.”

“Ang simple lang, sarap siguro kabonding neto. Hahaha.”

“Bakit pag ako nag ganyan mukha akong tuko.”

“ganito din ako kahit nakalabas na ang itlog ko sinusuot ko pa rin ang gutay2x ko na pambahay.”

Read Also: Rudy Baldwin, May Kakila-Kilabot na Pangitain sa Pagpanaw ng Komedyanteng si Mahal

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment