Cristy Fermin, Kinain ang Salita! Biglang Inamin na si Paolo at Yen ang Nasa Video

Hindi na palaisipan sa mga netizens kung sino nga ba ang ‘mystery woman’ na kasama ni Paolo Contis sa kanyang Baguio trip. Ilang araw matapos silang maghiwalay ni LJ Reyes, namataan ang aktor na namamasyal sa Baguio habang may ka-holding hands na babae. Ngayon ay lumabas rin ang katotohanan na si Yen Santos nga ang kasama niya.

Noong una’y itinanggi pa ito ng manager ni Paolo na si Lolit Solis at ng kilalang columnist na si Cristy Fermin. Sa kanyang radio program, itinanggi ni Fermin na si Paolo at Yen ang nasa video. Ngunit binawi niya rin ang kanyang mga sinabi at inamin na sila Yen at Paolo nga iyon.

Read More: “Aamin ko, naging marupok ako”- Paolo Contis, Inamin na Pambababae Niya ang Dahilan ng Hiwalayan Nila

“Kumpirmado po yung lumabas na larawan nina Yen at ni Paolo na nagsimba po sa Manaoag, sila po talaga yun. Sila talaga yun kahit yung kumakain na magkatabi sa isang restaurant. Nagkayayaan lang daw si Paolo at si Yen na magsimba sa Manaoag at siyempre pagkasimba kakain,” pahayag ni Cristy.

Nilinaw niya rin na kahit pa magkasama ang dalawa, hindi ito nangangahulugan na mayroon silang relasyon. Bago pa man daw mag-tambal si Yen at Paolo sa “A Faraway Land” ay unti-unti nang nagkakaroon ng lamat ang relasyon nila ni LJ.

“Hindi po si Yen ang naging thirdwheel. Hindi po siya third part kasi hindi po niya pinasok yung relasyon nina Paolo at LJ. Nasa labas na rin po ng relasyon si Paolo nang pumunta sila sa Manaoag para magdasal at kumain sa labas,” pahayag pa nito.

Pinuri rin ni Cristy si Yen dahil di katulad ng ibang artista ay lagi daw talaga itong umiiwas sa isyu. Magmula noong bago pa lamang siya sa showbiz ay nananatiling tikom daw ang bibig ni Yen tuwing nasasangkot siya sa mga kontrobersya.

Read More: Chiz, Diretsahang Sinagot Kung Payag ba Siyang Makatrabaho ni Heart ang Ex Nitong si Jericho Rosales

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment