Nasangkot ang pangalan ng aktres na si Yen Santos sa hiwalayan ng celebrity couple na sina Paolo Contis at LJ Reyes. Ayon sa mga showbiz insiders, si Yen ang di umano’y third party na tuluyang sumira sa relasyon nina Paolo at LJ. Matatandaang si Yen din ang leading lady ni Paolo sa bagong pelikulang “A Faraway Land.”
Mas lalong tumindi ang mga kontrobersya matapos lumabas ang larawan nina Yen at Paolo sa Baguio. Isang araw matapos lumipad si LJ patungong New York kasama ang anak nila, nagbakasyon si Paolo sa Baguio at niyaya niya si Yen na samahan siya ngunit ‘as a friend’ lamang.


Read More: “Hindi Lahat ng Totoo ay Kailangang Aminin”- Julia, Ipinaliwanag ang Linya Niya sa Teleserye
Nagsalita na rin si Paolo tungkol sa isyu, at nakiusap siya sa mga bashers na wag nang idamay pa si Yen sa hiwalayan nila ni LJ. Ayon kay Paolo, hindi si Yen ang naging mitsa ng hiwalayan nila, dahil bago pa man ito dumating sa buhay niya ay nagkakalabuan na sila ni LJ.
Sa kabila ng mga komento at pamba-bash na natatanggap ni Yen sa social media, nanatili namang tikom ang bibig nito. Hindi siya nagbigay ng pahayag at hindi rin ito nagpaunlak ng interviews.
Noong September 9, sinubukan ng Philippine Entertainment Portal na kunin ang pahayag ni Yen, ngunit mas pinili nitong hindi na sumagot.


Ayon sa malapit na kaibigan ni Yen, sa ngayon ay ‘down’ si Yen at sobrang lungkot nito. Dahil dito, ginagawa daw nila ang kanilang makakaya upang i-comfort si Yen sa mga oras na ito. Ang source na ito ay di umano’y kapatid ng best friend ng aktres.
“She’s so down right now kaya all we can do is comfort her. No comment muna si Lilieyen,” dagdag pa nito. Sa ngayon ay hindi raw muna ito handang magsalita at mas nais pa ni Yen mapag-isa. Ayon naman sa mga fans na nagtatanggol kay Yen ay dapat munang hintayin ng publiko ang side nito.
Read Also: Netizen, Binatikos si Sharon Cuneta Dahil sa Pagtrato Nito sa Kasambahay Niya sa Publiko!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment