May pag-asa pa kayang maayos ang pagsasama ni Jelai Andres at Jon Gutierrez? Matatandaang April 2021 ng kumalat sa social media ang ginawang panloloko ng Ex-Battallion member sa kanyang misis. Kumpirmado na mayroong relasyon ang rapper sa rookie artist na si Yumi Garcia simula pa noong July 2020.
Si Jelai mismo ang nag-anunsyo sa publiko sa ginagawang kalokohan ni Jon. Ayon kay Jelai, habang inaayos nila ang kanilang pagsasama ay ibang babae naman ang sinasamahan ni Jon.
Hindi ito ang unang beses na nagloko ang Ex-Battallion rapper, kaya naman sa pagkakataong ito, mukhang napuno na si Jelai.

Read More: Matapos Magloko, Paolo Contis, May Balak Pang Ayusin ang Gusot Nila ni LJ Reyes
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalimutan ng mga netizens ang panlolokong ginawa ni King Badger kay Jelai. Kaya naman tuwing may bagong babaeng nali-link dito ay agad na napapa-comment ang mga netizens. Kamakailan lang, naging usap-usapan na naman ito sa social media matapos ma-spottan si Jon na may kasamang babae.
Ngunit ayon kay Jon, may kinalaman sa business kung bakit sila magkasama ng naturang babae. Noong mga panahong iyon ay pareho silang nasa grand opening ng JIMS Pairs and Hot Mommy. Silipin ang mga komento ng netizens dito:
“Picture now eut later haha. ikalma mo ang kikiam mo haha.”
“Grabe kayo mga bashers! Baka naman nagkita lang sila as a friend.”
“di na magiging kabet yan.. kasi maghihiwalay na ung jolai remember on going na ang annulment.”
“Siya yung girl na pabebe kumain ng pares na challenge daw.”


Kamakailan lang, tuluyan nang nagsampa ng kaso si Jelai sa kanyang mister. Ayon sa report ng Philippine Entertainment Portal, June 1 nang magtungo si Jelai kasama ang legal team nito sa Department of Justice sa Quezon City upang pormal na maghain ng reklamo laban kay Jon.
Nagsampa ito ng kasong concubinage, o pakikiapid ng lalaki sa babaeng hindi nito asawa. Bukod dito ay nauna na ring nagsampa si Jelai ng reklamo sa paglabag ni Jon sa R.A. 9262 o Violence Against Women and Children Act. Sa katunayan, dumalo na siya sa pangalawang hearing nito noong June 1.

Read More: KC Concepcion, May Bwelta sa Basher na Tinawag Siyang ‘Mukhang Clown’ sa Social Media
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment