Isa si Baron Geisler sa mga pinakahinahangaang aktor sa industriya ng showbiz ngayon. Bukod sa pagiging dedicated na aktor, isa rin siyang responsable at mapagmahal na family man. Ngunit bago pa man dito, alam niyo ba na marami ring pinagdaanan si Baron? Sa kanyang nakaraang interview kay Toni Gonzaga, nag-open up si Baron tungkol sa mga pinagdaanan niya dati.
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na nagkaroon rin ng mga challenges si Baron dati. Nalulong ito sa bisyo, kung kaya’t kinailangan niyang sumailalim sa rehab upang maisaayos ang buhay niya. Kamakailan lang, muling binalikan ni Baron ang mga struggles niya sa buhay na nalampasan niya.


Read More: Yen Santos, Feeling ‘Down’ Ngayon Matapos Mabansagang Third Party sa Hiwalayan ni Paolo at LJ!
Sa kanyang interview, ibinahagi ni Baron na marami siyang pagkakamaling nagawa noong kabataan niya. Bukod sa pagkalulong sa bawal na gamot, aminado rin si Baron na naging malupit siya sa kanyang mga kasambahay noon. Ngunit ayon sa aktor ay may malalim raw na dahilan kung bakit siya nalugmok noon.
“I take things for granted easily and then I self-destruct. Pero may pinanggagalingan yung self-destruct. Kasi may void sa puso ko, may pagkukulang so kino-compensate ko sa mga bagay-bagay. It could either be pambababae, it could be alcohol, drug, material things,” paglilinaw ni Baron.

Sa kabila ng lahat, hindi pa huli ang lahat. Matapos magpa-rehabilitate sa Cebu ay dito niya rin nakilala ang babaeng babago sa buhay niya. Sa ngayon ay mayroon siyang isang anak sa kanyang asawang si Jamie, na nagtrabaho sa rehabilitation center. Nakatira na rin ang buong mag-anak nila sa Cebu.
“There is hope for everyone who are struggling like me with alcohol dependency or addiction. God is always there, His hand is always there. Ngayon na tatay na ako, ngayon ko nakikita lahat ng wisdom, lahat ng pagpo-protekto sa akin ng nanay at tatay ko ay para sa akin pala,” dagdag pa nito.

Read Also: Netizens, May Patunay na Mas Matagal sa 1 Day ang ‘Bebe Time’ ni Paolo at Yen sa Baguio!
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment