Usap-usapan ngayon sa social media ang aktres na si Yen Santos. Nakatanggap siya ng iba’t-ibang komento mula sa mga netizens matapos madawit ang pangalan niya sa hiwalayan ni Paolo Contis at LJ Reyes. Mas lalong tumindi ang mga tsismis matapos mamataang magkasama si Yen at Paolo na namamasyal sa Baguio matapos ang nakakaluhang interview ni LJ.
Maraming netizens naman ang nadismaya sa aktres. Kung totoo man na si Yen nga ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa, hindi nila akalain na magagawa niya ito.
Kaya naman muling binalikan ng mga netizens ang lumang interview ni Yen kung saan tinalakay niya ang third party sa mga relasyon.

Read More: Netizens, Di Mapigilang Mapansin ang Parehong Sitwasyon ng Ex ni Paolo Contis na Sina LJ at Lian
Si Yen ang gumanap bilang legal wife sa hit drama series na “Halik.” Sa isang interview, tinanong siya kung ano ang mensahe niya sa mga taong sumisira ng relasyon ng iba. Payo ng aktres ay pag-isipan muna nilang mabuti ang mga consequences ng kanilang ginagawa.
“May kanya-kanya siguro silang dahilan kung bakit sila pumapasok sa ganyang sitwasyon pero sana bago nila isipin na pumasok sa ganyang sitwasyon. Siguro isipin muna nila yung consequences na pwedeng mangyari kapag pumasok sila sa maling relasyon na pwede talaga nilang pagsisihan sa huli,” pahayag ng aktres.


Dagdag pa ni Yen, sa una lang masaya at exciting ang mga affairs dahil di nagtagal ay magdudulot rin ito ng gulo. “May mga bagay na sa una lang masaya, nakukuha mo yung gusto mo, pero ang totoo niyan, ano ka ba talaga sa buhay ng taong pinasukan mo?”
Sa kabilang banda, patuloy naman na tikom si Paolo Contis tungkol sa isyung ito. Ayon kay LJ, matagal ng cold ang pakikitungo ni Paolo sa kanya. Sinubukan niya pa raw ayusin ang kanilang pagsasama para sa kanilang anak na si Summer, ngunit si Paolo na mismo ang tumanggi.

Read More: Yen Santos, Pinaghinalaang ‘Mystery Woman’ na Ka-Holding Hands ni Paolo Contis sa Baguio!
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi na lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment