Netizens, May Patunay na Mas Matagal sa 1 Day ang 'Bebe Time' ni Paolo at Yen sa Baguio!

Hanggang ngayon ay matunog pa rin sa social media ang hiwalayan ni Paolo Contis at LJ Reyes. Ayon sa mga showbiz insiders, si Yen Santos ang di umano’y naging mitsa sa hiwalayan ng dalawa. Mas lalo pang umigting ang kontrobersya matapos silang makitang magkasamang namamasyal sa Baguio.

Mas lalo pang lumalim ang suspetsa ng mga netizens matapos kumalat ang larawan kung saan may kasama si Paolo na ‘mystery woman.’ Sa mga viral photos, hindi makilala ang babae dahil nakatalikod ito, ngunit lumabas rin ang katotohanan na si Yen nga ito.

Read More: “Hindi Lahat ng Totoo ay Kailangang Aminin”- Julia, Ipinaliwanag ang Linya Niya sa Teleserye

Base sa mga reports online, namataan sa Baguio at Pangasinan ang dalawa. Mukhang solo trip lang ito dahil wala silang ibang kasama sa mga photos. Sa isang video, makikita ring magkahawak ang kamay nila habang naglalakad. May naka-spot rin sa kanila sa Manaoag church at sa isang restaurant.

Ayon kay Paolo, isang araw lamang sila at binisita lang siya ni Yen ‘as a friend.’ Ngunit mukhang hindi naman umubra sa mga netizens ang excuse na ito.

Isang netizen ang nag-komento na hindi posibleng isang araw lamang doon si Paolo at Yen, dahil may ‘patunay’ di umano na nagtagal sila doon.

“1 day in Baguio? Reallllly? August 25 in Agare Ramen Baguio, then September 3 sa Lemon and Olives. Sinong niloloko niyo?” Nagbahagi pa ito ng larawan kung saan makikitang magkasama si Yen at Paolo na kumakain sa iba’t-ibang resto sa Baguio.

“Naloloka na rin ako, Mare. Ang sabi nila five days daw kami sa Baguio ni Yen. May nasulat naman, 10 days daw kami. Pakisabi gawin na nilang 30 days para happy sila. hahaha,” ito naman ang bwelta ni Paolo sa mga di umano’y fake news na kumakalat sa social media tungkol sa kanila ni Yen.

Read Also: Netizen, Binatikos si Sharon Cuneta Dahil sa Pagtrato Nito sa Kasambahay Niya sa Publiko!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment