Kamakailan lang, kumalat sa social media ang mga larawan at video ng aktor na si Paolo Contis na may kasamang ‘mystery woman.’ Lumabas ang mga larawang ito matapos ipahayag ni LJ Reyes na hiwalay na sila ni Paolo. Sa mga viral photos, makikitang may ka-holding hands ang aktor habang namamasyal sa Baguio.
Kahit pa naka-face shield at face mask, nakilala ng iba si Paolo Contis nang tanggalin nito ang kanyang face mask sa loob ng isang restaurant.
Pinaghihinalaan rin ng mga netizens na ang kasama niya ay ang kanyang leading lady na si Yen Santos, na di umano’y naging dahilan kung bakit nasira ang relasyon nila ni LJ.


Read More: Netizens, Di Mapigilang Mapansin ang Parehong Sitwasyon ng Ex ni Paolo Contis na Sina LJ at Lian
Sa kabila nito, may mga nagawa pa ring magtanggol kay Paolo. Isa na sa kanila ang kontrobersyal na columnist na si Cristy Fermin, na tila ba kinunsinti pa ang pang-iiwan ni Paolo sa kanyang pamilya.
Sa kanyang nagdaang radio program, iginiit ni Cristy na may malalim na dahilan kung bakit napuno si Paolo at iniwan nito ang pamilya niya.
“Pinakamamahal mo si LJ, pinaglaban mo,. Tinanggap mo na meron na siyang anak sa ibang personalidad, tinanggap mo. Minahal mo si Aki. Kayong ni LJ ang nagpalaki sa bata. Mahal na mahal mo, parang tunay na anak mo. Bakit napuno ang salop? May dahilan na matindi diyan. Matindi ang pinagdaanan nito,” pahayag ni Cristy.


Tila ba sinisi pa ni Cristy si LJ dahil di umano’y nagpadala ito sa mga sulsol at bulong ng ibang tao. Iginiit rin niya na ang pagiging ‘nagger’ nito ang maaaring pinagmumulan ng pag-aaway nila. Hindi rin daw nakakapagtaka kung magsasawa si Paolo dahil dito.
“Diyos ko, ‘day, sa kanila nakakasawa ‘yun. Kapag nagger ang babae, hindi nila gusto ‘yan. Pagod na pagod si Paolo, maghapon magdamag nagtatrabaho, pagdating ng bahay kokomprontahin mo pa at sisinghalan? ‘Di ba parang ganon? Siyempre hindi gugustuhin ng lalaki ‘yan,” dagdag pa niya.
Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang hindi nagustuhan ang pahayag na ito ni Cristy. Ayon sa kanila, imbes na pagsabihan ay tila kinukunsinti pa niya ang panlolokong ginawa ni Paolo sa kanyang pamilya.

Read More: Yen Santos, Pinaghinalaang ‘Mystery Woman’ na Ka-Holding Hands ni Paolo Contis sa Baguio!
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi na lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment