Matapos ang ilang buwan, sa wakas ay ibinunyag na rin ni Bea Alonzo ang totoong namamagitan sa kanila ni Dominic Roque. Ayon kay Bea, official na ang kanilang relasyon! Ilang buwan na rin daw silang nagde-date, ngunit recently lang sila nagkaroon ng official na label. Kamakailan lang ay ibinunyag ito ng aktres sa kanyang interview.
Dahil sa kanilang rebelasyon, naging usap-usapan si Bea at Dominic sa social media. Ayon sa mga netizens ay mukhang itinadhana ang dalawa para sa isa’t-isa, dahil kita rin naman kung gaano sila kasaya ngayon. Bukod pa dito ay napansin rin ng mga netizens na kamukhang-kamukha ni Bea ang lola ni Dominic!


Read Also: Kris Aquino, May Prangkang Bwelta sa Netizen na Nagsabi sa Kanya ng “Eat More”
Ang lola ni Dominic ay si Zeny Tamayo, na ina ng batikang aktres na si Beth Tamayo. Sa mga throwback photos ni Lola Zenny, hindi nga maitatanggi na malaki ang pagkakahawig nila ni Bea! Parehas rin silang mestiza, kaya naman mukhang kambal-tuko ang dalawa.
Sa social media ay kumalat rin ang mga larawan kung saan ipinagtabi ang photo ni Lola Zenny at ang selfie ni Bea. Makikita rin ang recent photo ng dalawa na kuha mismo ni Dominic nang dalawin nila si Lola Zenny.
Ayon sa mga netizens, tila magkapatid ang dalawa! Dagdag pa ng mga fans, patunay lamang ito na artistahin talaga ang lahi ni Dominic.

Sa kabilang banda, maraming netizens rin ang na-amaze sa malaking pagkakahawig ni Bea at ng lola ni Dominic. Ayon sa mga ito, tila kambal tuko ang dalawa! Kahit na tumanda na rin si Lola Zenny, hindi maitatanggi na hanggang ngayon ay hindi pa rin kumukupas ang natural niyang ganda. Silipin ang mga comments ng mga netizens dito:
“Mas maganda ang lola ni dominic kasi wla p noon vicky belo tunay n ganda ang sa kanya.”
“Original beauty yan ni bea walang surgery jan at super ganda nyan mula noon until now, para syang walking doll sa personal.”
“So hindi pala pagmamahal para sa pagiging kasintahan yung naramdaman ni dominic kundi lukso ng dugo.”
“May similarities pag unang tingin..doppelgänger ng lola ni Dominic magkaiba nga lang ng year.”

Read More: Mark Herras, Lalong Naging Lapitin ng mga Bading Dahil sa Isyu ng Pangungutang
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment