"Aamin ko, naging marupok ako"- Paolo Contis, Inamin na Pambababae Niya ang Dahilan ng Hiwalayan Nila

Matapos ang mahabang pananahimik, sa wakas ay nagsalita na si Paolo Contis sa isyu ng hiwalayan nila ni LJ Reyes. Sa pamamagitan ng statement sa social media, nilinaw ni Paolo ang totoong dahilan ng kanilang hiwalayan. Ibinunyag niya rin ang totoong namamagitan sa kanila ng kanyang leading lady na si Yen Santos.

Ayon kay Paolo, naging marupok siya at iyon ang naging dahilan ng hiwalayan nila ni LJ. Inamin rin ni Paolo na Yen at siya nga ang namataan sa viral na video.

Matapos umalis si LJ papuntang New York ay nagbakasyon naman siya sa Baguio at inimbita niya si Yen bilang ‘friend,’ ngunit hindi daw ito ang dahilan ng hiwalayan nila.

Read More: Netizens, Di Mapigilang Mapansin ang Parehong Sitwasyon ng Ex ni Paolo Contis na Sina LJ at Lian

“She was never the reason of our break up. I was. Kung matagal na kaming hindi okay ni LJ, it was mainly because of me. Masyado niyo siyang diniin sa issue na ‘to. She went in Baguio as a friend. Hindi ko naiisip na madadamay siya ng ganito. I’m sorry for this,” pahayag ni Paolo.

Bukod pa dito ay nanawagan rin siya sa mga netizens na wag na i-bash ang kanyang manager na si Lolit Solis. Nanay na rin daw ang trato niya dito, kaya naman hindi niya mapigilan kung ipagtatanggol siya nito mula sa mga pambabash na natatanggap niya sa social media.

Nagbigay rin siya ng mensahe para sa pamilyang nasira niya. Isa isang nagdedicate si Paolo ng message para sa anak nila ni LJ na si Summer, sa anak ni LJ na si Aki, at kay LJ. Humingi siya ng tawad sa kanila.

“To Summer, I’m sorry my Ganda. I love and miss you so much. Papa will do his best to be better. I will always be here for you. I promise. To Aki, I wish I could’ve done things differently and listened to you more. I’m sorry I failed you. To LJ, I’m very sorry. For everything. Sa lahat lahat.”

Read More: Yen Santos, Pinaghinalaang ‘Mystery Woman’ na Ka-Holding Hands ni Paolo Contis sa Baguio!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong mga opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment