Halos tatlong linggo na rin ang nagdaan simula nang pumanaw ang komedyante at aktres na si Noemi Tesorero, o mas kilala bilang Mahal. Maraming fans ang nagluksa dahil sa biglaang pagpanaw ni Mahal.
Ngunit bukod sa pamilya at fans nito, isa sa mga labis na naapektuhan ay ang malapit na kaibigan ni Mahal na si Mygz Molino. Sa kanyang mga huling sandali ay hindi naman siya iniwan ng kanyang rumored partner na si Mygz.
Sumikat ang mag-tandem sa kanilang Youtube channel dahil sa kanilang mga nakakatuwang vlogs. Kapansin-pansin rin ang pagiging malapit ng dalawa sa isa’t-isa, bagay na kinakiligan naman ng mga fans.


Sa pagpanaw ni Mahal ay napansin rin ng mga netizens ang malaking pagbabago kay Mygz. Maraming fans ang nabahala dahil sa pagpayat nito.
Mababakas sa mukha ni Mygz ang lungkot ang hinagpis, at mukhang dinadamdam pa rin nito ang pagkawala ng kanyang partner.
“Sobrang payat na ni Mygz, ang laki ng pinayat niya! Ingat ka lagi alagaan mo sarili mo.”
“Kitang kita kay Mygz na di pa rin siya nakakamove on.. sending my prayers for you!”
“Wag natin i judge yung tao, obvious naman may pinagdadaanan siya.”
“Dito lang kaming mga fans mo Mygz. Rest in peace mahal sana gabayan mo sya.”


Noong una’y tutol pa ang ibang kamag-anak ni Mahal kay Mygz, ngunit hindi nagtagal ay nakita rin nila kung paano nito asikasuhin at pasayahin si Mahal.
Sa katunayan, hanggang sa mga huling sandali ng komedyante ay hindi ito pinabayaan at iniwan ni Mygz. Hanggang sa pagpanaw ni Mahal ay nasa tabi niya ito.
Isa rin si Comedy Queen Ai-Ai delas Alas sa mga saksi kung paano minahal ni Mygz si Mahal. Sa katunayan, sa isang interview ay inilarawan ni Ai-Ai na hulog ng langit si Mygz sa kanyang kaibigan. Naniniwala rin daw siya na taos-puso at unconditional ang pagmamahal nito.

Read Also: Kris Aquino, May Prangkang Bwelta sa Netizen na Nagsabi sa Kanya ng “Eat More”
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment