Lookalike ni Marian Rivera na French-Taiwanese Student, Pinagkakaguluhan Ngayon sa Social Media

Si Marian Rivera ang tinaguriang ‘Primetime Queen’ ng Kapuso network. Dahil sa taglay niyang ganda at galing sa pag-arte, isa si Marian sa mga hinahangaang aktres ngayon. Sa ilang taon niya sa showbiz, pinatunayan rin ni Marian na timeless ang kanyang kagandahan. Kahit pa naging mommy na siya ay wala pa ring kupas ang ganda nito!

Sa katunayan, kahit pa 37-anyos na si Marian ay napagkakamalan pa rin itong mas bata sa kanyang edad.

Kahit pa dalawa na ang kanyang anak ay na-maintain ni Marian ang kanyang figure. Kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit tinagurian siyang isa sa mga pinakamagandang aktres sa Asia.

Read Also: May Kakaibang Napansin ang mga Netizens sa Tiktok Video ni Raymond Gutierrez at Tony Labrusca

Kamakailan lang, naging usap-usapan sa social media ang isang estudyanteng ito na di umano’y parang kakambal na ni Marian! Nag-viral sa social media ang mga larawan ng French-Taiwanese student na si Lea Dumortier.

Sa kanyang mga selfies, makikita ang malaking pagkakahawig nito sa aktres. Noong January 2020, maraming fans sa TikTok ang nakapansin ng pagkakahawig niya kay Marian.

Sa kanyang 160,000 followers, karamihan sa kanila ay hindi mapigilang ikumpara si Lea sa ‘Primetime Queen’ dahil sa kanilang mga facial similarities. Sa katunayan, mukhang pinagbiyak na bunga daw ang dalawa!

Kapansin-pansin na magkahawig ang mata ni Lea at Marian. Sa katunayan, kapag nakasuot siya ng face mask ay talagang mapagkakamalan mong si Marian Rivera ito! Bukod pa dito, hindi rin maitatanggi na pareho silang mestiza ni Marian, kaya naman mas lalong naging magkamukha ang dalawa.

Sa kabilang banda, agad ring lumobo ang followers ni Lea sa TikTok at Instagram. Maraming Pinoy fans rin ang hindi mapigilang mapa-comment sa kanyang mga larawan. Dahil dito, binansagan rin siyang ka-lookalike ni Marian sa social media.

Read More: “Totoong iyak ako nun..” -Paolo Contis, May Hugot sa Kanyang Bagong Movie kay Yen Santos!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment