Sa panahon ngayon, usong-uso na ang scam lalo na sa social media. May mga scammers na tina-target ang mga events gaya ng wedding, baptismal, o birthday. Matapos makuha ang pera ng celebrant ay hindi na ito magpaparamdam. Ganito rin ang nakakalungkot na karanasan ng bagong kasal na ito sa Cebu.
Nag-viral sa social media ang larawan ng bride na umiiyak sa tabi ng kalsada. Ayon sa mga saksi, nanlumo ang bride at groom matapos mabuking na itinakbo ng wedding coordinator ang pera nila na umabot ng P65,000. Dahil dito, hindi rin na-book ang venue ng reception at walang pagkain para sa mga bisita.

Read More: Matapos Magloko, Paolo Contis, May Balak Pang Ayusin ang Gusot Nila ni LJ Reyes
Maraming netizens ang naawa sa bride, lalo pa’t nabahiran ng malungkot na pangyayari ang dapat sana’y pinakamasayang araw sa buhay niya.
Kaya naman may mga mabubuting loob ang nag-offer na tulungan ang bride at groom. Kabilang na sa kanila ang misis ni Chito Miranda na si Neri Miranda.
“Bilang naging bride din ako, ang pinaka ayaw natin ay mastress sa mismong kasal natin. Kahit lahat ng tao sa paligid natin, di tayo dapat binibigyan ng stress. Kung sino po ang nakakakilala sa bride, pakisabi po, message po ako. Kami na bahala sa reception niya. Malapit lang naman ang Jejusamgyupsal sa lugar nila.”


Ayon kay Neri, handa siyang ipagamit sa bride at sa entourage nito ang kanilang restaurant sa Cebu. Bukod sa libreng reception, pagkain, cake, at emcee, may offer rin na pocket money si Neri sa bagong mag-asawa upang makatulong sa nawalang pera sa kanila ng scammer.
“Sagot na rin po namin ang cake, may emcee ka na rin po para may program po ang reception nyo. Wala kayong gagastusin mag-asawa. Kami na bahala. May pa-pocket money kami sa inyo kahit papaano. ‘Wag ka nang umiyak. Kami na bahala sa inyo,” dagdag pa ni Neri.
Read More: KC Concepcion, May Bwelta sa Basher na Tinawag Siyang ‘Mukhang Clown’ sa Social Media

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment