Papalapit na ang eleksyon, kaya naman kaliwa’t kanan na ang mga politiko sa pagpapabango sa kanilang pangalan. Kabilang na dito ang paghahanap ng mga endorsers na mangangampanya sa kanila. Maraming politiko na rin ang lumalapit sa mga sikat na social media influencers upang ikampanya sila online.
Kamakailan lang, ibinahagi ni Xian Gaza na nakatanggap siya ng proposal mula sa kampo ng isang presidential candidate. Noong una’y hindi niya pinangalanan ni Xian ang tinutukoy niya, ngunit sa huli ng kanyang post ay ibinuking nito na si Senator Manny Pacquiao ang nag-reach out sa kanya.

Read More: Matapos Magloko, Paolo Contis, May Balak Pang Ayusin ang Gusot Nila ni LJ Reyes
Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Xian na labis siyang nadismaya sa offer sa kanya ng campaign manager nito. Nag-offer daw ito ng P100,000 kada linggo para sa isang post na gagawin ni Xian sa pagkakampanya kay Pacquiao. Matatandaang kamakailan lang ay ibinahagi nito na tatakbo siya sa pagka-presidente.
“First of all, ang personal choice ko ay si Leni Robredo. Pangalawa, yung 100k ay kinikita ko ng half-day ngayon. Ako po ay sobrang nainsulto at nabastusan dahil hindi naman po ako isang Youtuber o influencer na may milyones na followers. Ako po ay isang negosyante na daang milyones ang personal net worth. Magandang gabi po and May God bless Sen. Manny,” pahayag ni Xian.

Dagdag pa nito, kaya niya ito ibinuking ay para maging aware ang mga social media influencers kung magkano ang dapat ibayad pagdating sa mga endorsements.
Ayon pa kay Xian, posibleng binubulsa ng campaign manager ni Pacquiao ang budget, kung kaya naman P100,000 lang ang ino-offer nito.
Nilinaw rin ng social media influencer na si Leni Robredo ang choice niya para sa presidential elections sa 2022. Wala rin daw siyang balak magpabango ng pangalan ng ibang politiko bukod dito.
Read More: KC Concepcion, May Bwelta sa Basher na Tinawag Siyang ‘Mukhang Clown’ sa Social Media

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment