AJ Raval, Mas Gustong Magpatawa na Lang Kaysa Ibalandra ang Katawan sa Pelikula!

Isa si AJ Raval sa mga pinakasikat na young stars ngayon sa social media. Ang 20-anyos na aktres ay anak ng action star na si Jeric Raval, kaya naman hindi na siya nahirapang makapasok sa industriya ng showbiz. Dahil sa kanyang taglay na kagandahan, hindi na nakakapagtaka kung bakit patuloy na dumarami ang taga-hanga ni AJ sa social media.

At dahil sa umaarangkadang career ni AJ, sunod sunod rin ang dating ng kanyang mga proyekto. Matapos ang hit film na “Taya,” kung saan nakasama niya si Sean de Guzman, muli na namang pagbibidahan ng newbie actress ang isang bagong pelikula. Makakatrabaho niya sa “Shoot! Shoot!” ang rapper at comedian na si Andrew E.

Read Also: Kris Aquino, May Prangkang Bwelta sa Netizen na Nagsabi sa Kanya ng “Eat More”

Sa isang interview, ibinahagi rin ni AJ ang mga challenges na kinaharap niya sa bagong pelikulang ito. Kakaiba daw ito sa mga pelikula niya dati, na puro pagpapasexy lamang ang roles nila. Aminado rin ang 21-anyos na aktres na mas nahihirapan siyang magpakita ng katawan kumpara sa pagpapatawa.

“Sa totoo lang po, mas hirap ako sa pagpapa-sexy kasi hindi naman ako ganito talaga sa personal. Ginagawa ko lang naman ito para sa pelikula, sa pagpapatawa po madali kasi maloko naman talaga ako sa totoong buhay,” pahayag ni AJ sa kanyang interview kasama si Giselle Sanchez.

Maraming fans rin ang nakapansin na hindi maitatanggi ang chemistry ni AJ at Sean mapa on cam o off cam man. Ayon sa mga kasama nila sa set, talagang malapit ang dalawa sa isa’t-isa at kahit hindi na nagte-taping ay sila pa rin ang magkausap. Kaya naman sinagot ni AJ ang tsismis na may relasyon na sila nito.

“Ate Giselle kami po ni Sean siguro in character lang po kami before kaya sobrang sweet namin. Pero ngayon po wala naman po kaming relationship o commitment. Friends po kami. Everyday po text bago matulog,” paglilinaw pa ng aktres.

Read More: Mark Herras, Lalong Naging Lapitin ng mga Bading Dahil sa Isyu ng Pangungutang

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment