Kim Chiu at Bela Padilla, May Mensahe sa Bagong Boyfriend ng BFF na si Angelica Panganiban

Mukhang pasado para kay Kim Chiu at Bela Padilla ang bagong boyfriend ng kanilang best friend na si Angelica Panganiban. Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na masaya ngayon si Angge sa piling ng kanyang non-showbiz businessman boyfriend na si Gregg Homan. Noong September 7 ay nag-celebrate ng birthday si Gregg.

Sa Instagram ay nag-post ang aktres ng sweet na birthday greeting para sa kanyang boyfriend. Hindi rin nagpahuli ang kanyang mga BFFs na sina Bela at Kim, na nagpahayag rin kung gaano sila kasaya na nakahanap na si Angge ng taong tunay na magmamahal sa kanya.

Read Also: Ex-BF ni Rabiya Mateo na si Neil Salvacion, Isiniwalat ang Totoong Dahilan ng Hiwalayan Nila sa Kanyang PBB Audition

“Happy birthday sa nagpatibok ng puso ng aming momsie @iamangelicap ng todo todo! Miss na namin ang luto mo at englishan natin Greg! Kala mo naman matagal nagsama,” pahayag ni Kim sa Instagram, na kinaaliwan rin ng mga fans.

Matatandaang nitong January lamang ay kinumpirma ng aktres na si Angelica Panganiban na mayroon ng lalaking nagpapatibok sa puso niya.

Sa kanyang interview, ibinahagi ni Angelica ang simula ng kanilang romance. Noong una raw ay naging magkaibigan muna sila ni Gregg, hanggang sa mas nakilala nila ang isa’t isa.

Hindi nagtagal at nagka-aminan na ang dalawa sa feelings nila, at doon na rin daw nagsimula ang kanilang relasyon.

“Parang ayoko rin naman ipagdamot yung happiness na meron ako ngayon. So sa simpleng bagay na ganun, kahit papaano siguro nai-share ko at naipakita ko sa mga tao na, ‘Uy si Bakla masya na.’ So magbunyi kayong lahat, ganun. Kilala nyo rin naman ako, sobrang simple ko rin na tao,” pahayag ni Angelica sa kanyang interview.

Noong una, mas pinili raw ni Angelica na gawing private ang kanilang relasyon. Sa tagal na niya sa showbiz, kabisado na rin daw ng aktres ang maaring maging reaksyon ng publiko.

Dahil dito, mas minabuti niyang isikreto ang kanilang relasyon noong una upang mailayo ang kanyang non-showbiz boyfriend mula sa mga kontrobersya.

Read More: Coleen Garcia, Proud na Ipinasilip ang Stretchmarks sa Kanyang Never-Before-Seen Pregnancy Photos!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment