Dalaga, Gumamit ng PowerPoint Upang Ibuking ang Madilim Niyang Sikreto sa Kanyang mga Magulang!

Kahit pa gaano tayo kalapit sa ating mga magulang, hindi natin maiiwasang magtago ng sikreto sa kanila. Kadalasan ay natatakot tayong madismaya sila o magalit sa atin, kaya naman kinikimkim na lang natin ang mga dapat itago.

Ngunit matapos ang mahabang paghihintay ay napagod na ang dalagang ito, kaya naman ibinunyag na niya ang sikreto niya. Viral ngayon sa TikTok ang video ng dalagang ito na kinakausap ang kanyang mga magulang.

Ayon sa nag-upload ng video na si TikToker Sami, ipinagtapat ng kanyang kapatid na si Lexi ang totoo niyang trabaho sa kanyang mga magulang. Ngunit imbes na heart-to-heart talk, may kakaiba itong naisip upang umamin!

Read More: Tiktoker na si Whamos, Labis ang Tuwa Matapos Sagutin ng Babaeng Pinapangarap Niya!

Gumamit si Lexi ng isang PowerPoint presentation, at sinabi niya sa kanyang mga magulang na napapagod na siyang itago ang sikreto niya sa kanila na ilang buwan na rin niyang kinikimkim.

Kaya naman naglakas ng loob siyang sabihin sa kanila na kumikita siya bilang isang stripper.

“I’m a stripper! As in, I pole dance and I love it. The only reason I’m sharing this is because I want the people I love and trust the most to know what’s going on in my life and just be a part of my journey,” pahayag ni Lexi.

Sa una’y hindi naman makapagsalita ang kanyang mga magulang matapos niyang ibunyag ito.

Kahit pa hindi nila inaasahan ang rebelasyon ni Lexi, hindi rin naman sila nagalit o nadismaya sa kanilang anak.

Ayon pa sa nanay ni Lexi, natutuwa siya dahil may tiwala sa kanila ang kanyang anak upang ibahagi ang totoong hanapbuhay nito. Ayon rin sa dalaga, nakahinga siya ng maluwag matapos mailabas ang sikreto niya.

“We’ve always known how amazing and accepting our parents are, so it’s nice to see other people appreciating that as well. They’re a great example of how to respect and interact with your adult children,” sa ngayon ay mahigit 2.6 million na ang views ng video na ito sa Tiktok.

Read Also: Mygz Molino, Hindi Pinabayaan si Mahal sa mga Huling Sandali Nito

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment