Mag-Asawang Naka Motor, Viral Matapos Gawin Ito sa Isang Pulubi sa Kalsada!

Sa panahon ngayon, bibihira ka na lang makatagpo ng mga taong may mabubuting puso. Karamihan ay mas uunahin pa ang kanilang pansariling kapakanan, at nagbubulag-bulagan lamang sa mga nangangailangan sa paligid nila. Ngunit mayroon pa ring iilan na busilak ang kalooban, gaya na lamang ng mag-asawang ito na nag-viral sa social media.

Kamakailan lang, naging usap-usapan ang nakaka-inspire na kwento ng mag-asawang ito na tumulong sa isang taong kalye. Marahil ay nakita mo na rin ang mga larawang ito sa Facebook.

Sa viral photos, makikitang nilapitan at tinulungan ng isang mag-asawa ang matandang ito na nakaupo lamang sa gilid ng kalsada.

Read More: Yen Santos, Feeling ‘Down’ Ngayon Matapos Mabansagang Third Party sa Hiwalayan ni Paolo at LJ!

Ayon sa netizen na nag-post ay naka-motor ang mag-asawa. Habang nasa byahe ay sakto naman nilang nadaanan ang matandang ito na nakaupo lang sa gilid ng kalsada.

Hindi naman sila nagdalawang isip na huminto sandali at lapitan ito upang makapag-abot ng tulong.

Dahil hubo’t hubad ang lalaki ay bumili ng damit ang mag-asawa sa isang malapit na tindahan. Ayon sa lalaki, na pinangalanang Alfredo, hindi na niya naisip ang virus noong mga panahong iyon dahil nangibabaw sa kanya ang pagkaawa sa matanda. Kaya naman agad nilang nilapitan ito at sinuotan ng damit.

“Nung pagbalik po namin saktong nakita ko po si Tatay sa may Caloocan Sports Complex na banda po, nakahubad Nakita ko pinagtatawanan ng mga tao eh. Sinuotan ko siya, kumapit siya sa dalawang balikat ko. Hindi ko na din naisip ‘yung virus virus, naawa kasi ako kay tatay.”

Sa kabilang banda, agad namang nag-viral sa Facebook ang larawang ito. Umabot ng libo-libong likes at shares ang nakaka-inspire na kwento ng mag-asawang Good Samaritan na ito.

Read Also: Netizens, May Patunay na Mas Matagal sa 1 Day ang ‘Bebe Time’ ni Paolo at Yen sa Baguio!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment