Tiktoker na si Whamos, Labis ang Tuwa Matapos Sagutin ng Babaeng Pinapangarap Niya!

Ayon nga sa kasabihan, love is blind. Pagdating sa pag-ibig, hindi sukat ang panlabas na kaanyuan upang mahanap mo ang iyong kapareha. Kahit pa ano ang itsura mo ay paniguradong makakahanap ka ng tamang tao para sayo. Kaya naman kapag nakita mo na ito ay wag mo na siyang pakawalan pa!

Kamakailan lang, maraming netizens ang kinilig sa jowa reveal ng sikat na Tiktoker na si Whamos Cruz.

Si Whamos ay sumikat noong taong 2019 matapos siyang sumali sa reality singing competition na “Idol Philippines.” Marami ang naaliw sa memorable na linya niyang “Pwede na po ba ako mag-start?”

Read More: “Totoong iyak ako nun..” -Paolo Contis, May Hugot sa Kanyang Bagong Movie kay Yen Santos!

Magmula noon ay nagtuloy-tuloy na ang pagsikat ni Whamos. Kahit pa hindi siya nanalo sa competition, nagkaroon naman siya ng fan base sa social media, partikular na sa Tiktok at Youtube.

At kamakailan lang, sa wakas ay ipinakilala na ni Whamos ang babaeng nagpapatibok sa kanyang puso. Sa Facebook, ibinunyag ni Whamos na sinagot na siya ng kanyang girlfriend na si Antonette Gail.

Naghanda siya ng romantic surprise, kung saan tinulungan siya ng kanyang mga kaibigan upang makuha ang matamis na oo ni Antonette. Labis naman ang tuwa ni Whamos matapos itong pumayag.

“Pangako ko sayo mahal na hindi ko sasayangin ang pagkakataon na binigay mo sakin. Pangako ko din sabay natin kakamitin ang mga pangarap natin at magtutulungan sa hirap o ginhawa na dumating sa atin,” ito naman ang sweet na sweet na mensahe ni Antonette sa kanyang boyfriend.

Sa kabilang banda, umani naman ng iba’t-ibang reaksyon sa social media ang tambalang ito. Maraming netizens ang kinilig dahil nakahanap na ng babaeng mamahalin ang kanilang idol. Sa kabilang banda, mayroon rin namang tila nagsususpetsa sa totoong motibo ni Antonette.

“Wag natin husgahan ang kapwa hayaan nalang natin sila kung saan sila masaya..may mga kanya kanyang buhay tayo kayat wag silang pagtawan malay natin true love naman talaga.”

Read Also: May Kakaibang Napansin ang mga Netizens sa Tiktok Video ni Raymond Gutierrez at Tony Labrusca

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment