Kamakailan lang ay naglabas si Vice Ganda ng hinanaing matapos masangkot sa isyu ng malapit niyang kaibigang si Ate Gay. Matatandaang nadawit ang pangalan ni Vice sa post ni Ate Gay, kung saan inisa-isa niya ang mga taong tumulong sa kanya.
Nabanggit rin ni Ate Gay na nagbigay si Vice sa kanya ng halagang P20,000. Ayon naman sa “It’s Showtime” host, labis siyang nasaktan matapos mabasa ang komento ng mga netizens sa post ni Ate Gay.
May mga netizens na pumuna sa komedyante dahil sa kabila di umano ng napakalaking net worth nito ay P20,000 lamang ang tinulong niya sa kanyang malapit na kaibigan.

“Tumulong na ako ng kusa, ayoko na ngang magpa-acknowledge kaya hindi ko sinasabi. Pero ‘yung nilabas mo yung pangalan ko, tapos inokray pa ako, nasaktan ako talaga. Pag hindi ka tumulong, ang sama sama mo. Pag tumulong ka, kinukwestyon pa kung bakit iyon lang ang tinulong mo. That hurts so much,” pahayag ni Vice Ganda.
Sa kasunod na post, nilinaw naman ni Ate Gay na hindi niya intensyong ma-offend o ma-bash si Vice sa kanyang post. Sa halip ay nais niya lang raw patunayan sa ibang netizens na hindi lamang siya kay Vice nakaasa. Napapagod na rin daw siya na laging iniisip ng mga tao na si Vice ang nagbabayad ng hospital bills niya.

Bukod pa dito ay humingi rin si Ate Gay ng tawad sa iba pang nadamay sa isyu, gaya na lamang ng kanyang malapit na kaibigan na si Ogie Diaz. Giit ni Ate Gay ay masyado lang rin siyang nasaktan sa mga bashers kaya niya nagawa ito.
“Na-provoke lang po ako sa isang fan na sabihan ako sana di na lang ako tinulungan ni Vice, sana namatay na lang ako kaya nilabas ko mga amount ng tumulong sa akin. Nagpapasalamat ako kay Vice at Ogie na tulay ng pagso-sorry ko kay Vice. Masyado lang ako nasaktan sa mga bashers, sana mapatawad niyo ako.”
Read Also: Luis Manzano, Nagmakaaawa sa mga Netizens na Panoorin ang Kanyang Vlog! Bakit Kaya?

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment