20-Anyos Sexy Aktres na Na-Link kay Albert Martinez, Ibinuking na ang Totoong Namamagitan sa Kanila ng Beteranong Aktor!

Sa mundo ng showbiz, hindi maiiwasang maging curious ang mga fans sa love life ng kanilang mga iniidolong artista. Kaya naman tuwing may bagong nakaka-relasyon ang mga artista ay laging nakaantabay ang publiko. Ngunit sa kabilang banda, dahil sa kakulangan ng privacy ay nahuhusgahan rin ang kanilang personal na buhay.

Maging ang mga beteranong artista ay hindi nakakaligtas mula sa mapanghusgang mata ng publiko. Kamakailan lang, naging usap-usapan sa social media ang di umano’y bagong girlfriend ng batikang aktor na si Albert Martinez na si Faith da Silva. Ayon sa mga kumakalat na balita, kapansin-pansin ang namumuong romance ng dalawa.

Read More: Netizens, Na-Curious sa Bagong ‘Mystery Woman’ na Kasama ni King Badger sa Picture!

Kahit pa mahigit 40 years ang age gap ni Albert at Faith, aminado si Faith na nagkakasundo sila ng beteranong aktor. Matatandaang nagkasama sila sa GMA teleserye na “Les Hermanas.”

At dahil si Faith rin ang love interest ni Albert sa teleserye, hindi maiwasan na maging malapit sila sa isa’t-isa. Sa kanyang nakaraang interview sa “The Boobay and Tekla Show,” diretsahang sinagot ni Faith ang tanong kung sila na nga ba ni Albert.

Ayon sa 20-anyos na aktres, nasa lock-in taping sila nang marinig niya ang kumakalat na kontrobersya. Hindi rin daw siya nagulat, lalo pa’t expected na ito dahil magka-love team sila.

“Napag-usapan namin pero in passing lang. Hindi siya yung seryosohan talaga. Parang pinagbibiru-biruan lang namin. Tuksu-tuksuhan lang. Para sa aming dalawa naman kasi professional lang lahat. Walang ilangan. Si mama medyo nagulat siya, pero since alam naman namin ano ang totoo, hindi dapat mag-worry ang mga tao,” pahayag ng aktres.

Dagdag pa ni Faith, talagang professional si Albert pagdating sa set. At dahil baguhan pa lang siya sa showbiz, labis ang pasasalamat niya sa aktor dahil marami siyang natututunan mula dito.

Hindi rin daw ito nagdadalawang isip na gabayan siya pagdating sa pag-akting dahil ito ang kauna-unahan niyang series.

Read Also: “Kami Bahala Sayo”- Neri Miranda, Sinagot ang Reception ng Bagong Kasal na Na-Scam!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment