Netizens, Di Mapigilang Mapansin ang Parehong Sitwasyon ng Ex ni Paolo Contis na Sina LJ at Lian

Hanggang ngayon ay mainit na usapan pa rin ang biglaang hiwalayan ng celebrity couple na sina LJ Reyes at Paolo Contis. Isiniwalat ni LJ na ilang buwan na rin silang hiwalay at kasalukuyan siyang nasa New York kasama ang kanilang anak. Ito’y matapos ma-link si Paolo sa kanyang latest leading lady na si Yen Santos.

Sa kanyang interview, ibinahagi ni Lj na sinubukan niya pang ayusin ang kanilang pagsasama para sa kapakanan ng mga bata. Ngunit sa kabila nito, si Paolo na mismo ang umaayaw.

Kaya naman walang ibang nagawa si LJ kundi ang kusang lumayo upang makapag focus sa kanilang anak.

Read More: Yen Santos, Pinaghinalaang ‘Mystery Woman’ na Ka-Holding Hands ni Paolo Contis sa Baguio!

“Na-realize ko na parang hindi pwedeng ganito. May mga bata. Nagbaba po ako ng pride kahit alam kong ako po yung nasasaktan. Titiisin ko po yun para sa mga bata, kasi iniisip ko baka kailangan nila ng complete family. Tinanong ko siya if he wants to take us back, pero hindi na raw,” naluluhang pahayag ni LJ.

Hindi naman mapigilang ikumpara ng mga netizens ang di umano’y pattern sa mga naging karelasyon ni Paolo dati.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na mayroon na rin itong ibang anak sa kanyang dating asawa na si EB Babes Lian Paz. Ngunit kahit pa kasal na sila ay nagawa pa rin siyang iwan ni Paolo.

Matatandaang katulad ni LJ, nagbigay rin ng interview noon si Lian Paz. Labis ang hinagpis nito sa kanilang hiwalayan, lalo pa’t mayroon silang anak.

Ngunit desidido na raw mismo si Paolo na makipaghiwalay at iwan ang kanyang pamilya. Ayon kay Lian ay mayroon ring financial problems ang aktor.

“Sabi niya, ‘I’m not doing this because I don’t love you anymore, I’m doing this for you.’ Sabi ko sa kanya, ‘Kung ano man pinagdadaanan mo, asawa mo ako, andito ako para tulungan ka.’ Ang sabi niya, ‘No tama na, kaya mo yan,'” pahayag ni Lian sa kanyang interview noong 2012 matapos silang maghiwalay.

Read Also: Rudy Baldwin, May Kakila-Kilabot na Pangitain sa Pagpanaw ng Komedyanteng si Mahal

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment