Masyadong Strikto? Toni Gonzaga, Pinuna ng mga Netizens Dahil sa Video ni Seve!

Maraming tao ang humahanga kay Toni Gonzaga. Bukod sa kanyang namamayagpag na career, pinagpala rin si Toni sa kanyang buhay pamilya. Sa kasalukuyan ay limang-taong gulang na si Seve na anak ni Toni at Paul Soriano. At dahil namana ni Seve ang charm ng kanyang ina, hindi na nakapagtataka kung bakit maraming naaliw dito.

Gayunpaman, hindi maiwasang may mga bashers na laging pumupuna sa kilos at galaw nila. Kamakailan lang, naging usap-usapan sa social media ang video na ito ni Seve na naglalaro.

Read More: Matapos Magloko, Paolo Contis, May Balak Pang Ayusin ang Gusot Nila ni LJ Reyes

Sa maikling clip, makikitang bumisita si Seve sa bahay ng kanyang lolo’t-lola sa Taytay, Rizal. Naglalaro siya sa pool side kasama ang kanyang yaya.

Kapansin-pansin rin na talagang excited si Seve. Tumatakbo ito papuntang pool, at naka-antabay naman ang kanyang yaya upang masiguradong hindi siya madadapa o malalaglag sa swimming pool. Lagi rin siyang nakasunod sa bawat galaw ni Seve at tinulungan niya pa itong mag-bike.

Ngunit ayon sa ibang netizens, mukhang masyadong ‘strict’ ang parenting style na ito ni Toni. Giit nila, hindi na musmos si Seve upang sundan ng yaya ang bawat kilos nito.

Ayon pa sa ibang netizens, mahalaga rin na mag-explore si Seve sa kanyang sarili upang matuto ito. Silipin ang mga komento nila dito:

“Bkit di nlng hayaan yung bata mglaro saka malaki nmn, hndi nmn yan dpat sundin palagi ng yaya.”

“Naku lalaki din alaga ko dito pero hindi ganyan kalikot at saka hindi ako naka buntot ng naka buntot.”

“Literal talaga mana kay alex kakulitan normal din sa edad sakin nga mas malikot pa kay seve habulan talaga buti nlang 5 ang yaya mo seve.”

“Kawawa Pala Ang Yaya Kay Seve pagod lagi. Ang gara nmn Kung bawat kilos Ng Bata laging nakasunod Ang Yaya… spoiled masyado Ang poging c Seve.”

Read More: KC Concepcion, May Bwelta sa Basher na Tinawag Siyang ‘Mukhang Clown’ sa Social Media

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment