"From watermelons to pancake"- Ellen Adarna, Sinupalpal ang Netizen na Pumuna sa Kanyang Dibdib

Isa si Ellen Adarna sa mga pinakahinahangaang sexy actress sa showbiz industry. Bukod sa kanyang talento sa pag-arte, hindi maikakaila na talaga namang mala-dyosa ang kagandahan ng Cebuana beauty na ito. Kaya naman maraming netizens ang talagang humahanga sa kanya.

Sa kabila nito, aminado si Ellen na maraming ipinagbago ang kanyang katawan simula nang manganak siya. Taong 2018 nang isilang ni Ellen si Elias Modesto, na anak nila ng ex-partner na si John Lloyd Cruz.

Read More: Mahirap nga ba Pakisamahan? Dating Kasambahay, Isiniwalat ang Totoong Ugali ni Mommy Divine!

Bukod sa kanyang mental health, aminado ang aktres na may nagbago rin sa kanyang pisikal na anyo. Ngunit gayunpaman, hindi niya ito kinakahiya dahil normal na bahagi lamang ito ng pagiging isang ina.

Kamakailan lang, isang netizen ang natameme matapos i-real talk ng 33-anyos na aktres. Matapos magbahagi ng kanyang selfie, isang netizen sa Instagram ang nakapansin ng di umano’y ‘folds’ sa dibdib ng aktres. Agad naman itong sinagot ni Ellen.

Pabirong sagot ni Ellen, dati ay mala ‘watermelon’ ang kanyang dibdib. Ngunit ng nanganak siya at nag-breastfeed kay Elias, nagbago rin ang porma ng mga ito. Nagbigay rin siya ng friendly advice sa netizen sa pagtanda nito sa hinaharap.

“My boobs from watermelons, turned into pancakes after breastfeeding. Motherhood dear. Enjoy yours cause it won’t be as perky as your profile pic forever,” dagdag pa ng aktres.

Sa kabilang banda, maraming co-stars ni Ellen ang nagpahayag ng kanilang suporta sa hot momma. Ayon sa kanila, talagang blooming na blooming si Ellen ngayon. Kabilang na sa nag-komento sina Isabelle Daza, Pat Dy, at Ruffa Gutierrez.

Read Also: Babaeng Nanganak sa Eroplano, Hindi Raw Inakalang Nagdadalang-Tao Pala Siya!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment