Danica Sotto, Ano nga ba ang Tawag sa Stepmom na si Pauleen Luna? Silipin Dito!

Kamakailan lang ay sinagot ni Danica Sotto ang tanong ng isang netizen sa kanyang Instagram page. Ayon sa netizen, curious siya kung anong tawag ni Danica kay Pauleen Luna, na misis ng kanyang amang si Vic Sotto. Edad 38 si Danica, samantalang 33 anyos naman si Pauleen. Kaya naman nais malaman ng netizen kung paano ina-address ni Danica ang kanyang step mom.

“Hello Miss Danica, don’t get me wrong po ha.. per curious po ako kung ano tawag nyo kay Pauleen? Kasi stepmom mo siya tapos matanda ka sa kanya.. hehe ask ko lang po curious lang.. thanks po God bless,” pahayag ng netizen sa Instagram post. Agad namang nag-reply dito si Danica at sinagot ang kanyang tanong.

Read More: Bea Alonzo, May Emosyonal na Mensahe kay John Lloyd sa Paglipat Nito sa GMA 7

Ayon kay Danica, nasa first-name basis sila ni Pauleen. Ngunit may mga pinsan daw siya na ‘Tiya Pols’ ang tawag kay Pauleen bilang term of endearment nila. “We call her Pauleen. Some of my cousins call her Tiya Pols. Term of endearment nila sa kanya,” dagdag pa ni Danica.

Kahit pa mayroon silang 34-year age gap, hindi ito naging hadlang sa kanilang pagsasama. Sa katunayan, inamin ni Pauleen na mas lalo lang tumitibay ang pagmamahal niya sa kanyang mister.

Kamakailan lang ay nagbahagi ito ng taimtim na appreciation post para kay Vic sa kanyang official Instagram account.

“I wish you can open my heart and see how much I love you. I don’t know if I say it out loud, but you are the best part of my life and I wouldn’t have it any other way. Thank you for loving, caring, and most especially treating me with respect. I love you so muuch,” pahayag ni Pauleen.

Maging ang anak ni Vic na si Danica Sotto ay hindi mapigilang maging emosyonal matapos makita ang mensahe ni Pauleen.

Read More: Kilalanin ang Non-Showbiz Girlfriend na Nagpapatibok ng Puso Ngayon ni Zaijan Jaranilla

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment