Friends nga lang ba? Ivana Alawi, Nilinaw ang Kumalat na PDA Moment Nila ni Marco Gumabao

Matapos mahabang paghihintay, sa wakas ay tinuldukan na ni Ivana Alawi ang kontrobersya na nag-li-link sa kanya sa aktor na si Marco Gumabao. Kamakailan lang, naging usap-usapan ang dalawa sa social media matapos mamataan si Marco na masyadong sweet sa Youtube star. Sa isang video, makikitang nakahawak pa ito sa hita ni Ivana habang nagka-karaoke sila.

Sa isang video na ibinahagi sa Instagram, makikitang magkasama si Ivana at Marco habang nagkakaraoke night. Nakunan rin ng video ang paghawak ni Marco sa hita ni Ivana habang kumakanta ang aktres. At dahil mukhang ayos lang ito para kay Ivana, napaisip ang mga netizens kung may relasyon na nga ba ang dalawa!

Read More: Fans, Kinilabutan sa Labis na Pagkakahawig ng Pumanaw na Actor na si Rico Yan sa Pamangkin Nito!

Ngunit sa kanyang nagdaang interview, nilinaw ni Ivana na walang special na namamagitan sa kanila. Ayon sa 24-anyos na Youtube star, hindi niya boyfriend si Marco. Sadyang malapit lamang daw sila sa isa’t-isa, lalo pa’t nasa iisang circle of friends lamang sila. Hindi rin daw romantic dinner ang naganap noon, kundi get together nilang magkakaibigan.

“Hindi lang naman date yon na kaming dalawa. We’re friends, I was also with other friends, and nasa bahay kami ng friend ko. There’s nothing, hindi kami. Para lang klaro sa lahat, wala. Wala akong malisya, kasi kahit sa mga friend ko, lahat sila yumayakap sakin. Walang hipo hipo Wala yon sa akin,” paglilinaw pa ni Ivana.

Sa kabilang banda, nitong mga nakaraang linggo ay nalink rin si Ivana sa Kapamilya actor na si Joshua Garcia. Ito’y matapos mabuking na ultimate crush pala ni Ivana ang aktor. Kaya naman tinanong siya ng mga netizens kung sakaling manligaw si Joshua, may pag-asa kaya ito sa puso niya?

Natawa naman si Ivana sa tanong na ito, at sinabi niya na may pag-asa si Joshua. Ngunit kahit sino naman daw ay may pag-asa, lalo pa’t kung mabuti ang kalooban nito. “Lahat naman, hindi ba? Lagi kong sinasabi, lahat may pag-asa,” pahayag ni Ivana.

Read Also: Lolit Solis, Umalma sa mga Nagsasabing Mahina Siya Dahil Di Natunugan ang Pagbubuntis ni Elisse!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment