Kamakailan lang ay ibinunyag na ng celebrity couple na sina McCoy de Leon at Elisse Joson na nabiyayaan sila ng baby girl. Matapos magpunta sa United States ay nanganak si Elisse ng kanilang baby na pinangalanan nilang Felize. Nagulat naman ang mga netizens dahil mukhang hindi daw nasagap ng showbiz insider na si Lolit Solis ang balitang ito.
Sa social media, maraming netizens ang nangantyaw kay Lolit dahil sa di umano’y ‘mahinang radar’ nito pagdating sa tsismis.
Ayon sa kanila, nagbuntis at nakapanganak na lang si Elisse ngunit mukhang hindi ito nalaman ni Lolit, na binansagang ‘marites’ dahil sa pagiging matinik nito sa tsismis.

Read More: Derek Ramsay, Kakasuhan ang Tabloid na Nagpakalat ng Fake News Tungkol sa Anak ni Ellen!
“Mission failed, naisahan kayo ng McLisse. Mahina po ang pagka-tsismosa niyo.”
“Ang totoo di niyo talaga na amoy kunwari ka pa! Eh sa pagka-marties niyo imposible di niyo i-chismis ito, kayo pa ba? Nalusutan lang talaga kayo.”
Dinepensahan naman ni Lolit ang kanyang sarili. Sa Instagram, ipinahayag niya na hindi na niya masyadong pinapansin ang ganitong mga klaseng comments. Ayon kay Lolit, kahit pa ibunyag niya o itago ang mga pangyayari ay lagi pa rin naman siyang huhusgahan ng mga tao.


“Bakit daw wala akong balita tungkol sa pagbubuntis ni Elisse Joson. Ang hina daw ng radar ko, dahil nagka anak ng baby girl pero hindi ko nalaman. Kaloka di ba? Pag ibinalita mo, sasabihin pakialamera at tsismosa ka. Pag hindi mo sinulat, mahina kang klase ng reporter. Kaya nga ayoko ng mag take seriously iyon mga comments.”
Sa kabilang banda, binati niya rin ang dalawa sa kanilang bouncing baby girl, lalo pa’t buong tapang nilang hinarap ang challenges ng pagiging first-time parents. Ibinuking rin ni Lolit na kinuhang ninong ni Elisse at McCoy si Lauren Dyogi ng ABS-CBN.

Read Also: ‘Binugbog ang anak ko kahit buntis’- Jaclyn Jose, Nagbabala na Ilalabas ang Baho ni Albie Casino!
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment