Dimples Romana, Pina-Wow ang mga Netizens sa Kanyang Nakakagulat na Transformation!

Karamihan sa mga kababaihan ay nagnananais na mas bumata ang itsura. Kaya naman todo effort sila sa pagpapaayos, at ang ilan ay sumasailalim pa sa mga mamahaling cosmetic procedures para mas magmukhang bata sa kanilang edad. Ngunit may mga kababaihan rin naman na sadyang pinagpala pagdating sa kanilang pisikal na kaanyuan.

Kabilang na sa kanila ang Kapamilya actress na si Dimples Romana. Kilala si Dimples sa kanyang galing sa pag-arte, at kamakailan lang, ginulat niya ang mga fans sa ultimate transformation!

Kapansin-pansin na malaki ang pinagbago ni Dimples ngayon, at marami ang nagsabi na mas nagmukha itong bagets.

Read More: Ogie Diaz, Pinagsabihan si Andrea Brillantes sa ‘Plastik’ na Pahayag Nito Tungkol sa Showbiz

Sa Instagram ay ibinahagi ng 36-anyos na aktres ang kanyang latest selfie. Simple lamang ang kanyang OOTD o outfit of the day. Makikitang nakasuot siya ng white crop top at salamin.

Ngunit kapansin-pansin ang malaking pagbabago sa katawan nito, at mas nagmukhang bata si Dimples dahil sa kanyang pagpayat. Ilang buwan ring sumailalim sa diet at proper exercise ang aktres.

Dahil hindi masyadong hectic ang schedule niya ngayong pandemic, nagkaroon si Dimples ng maraming oras upang mas makapagfocus sa kanyang sarili. Kaya naman sinamantala niya ang pandemic para sa kanyang balik-alindog program.

“Viral scandal taping today! The face I make when I’m trying to avoid binging too much on food then you come across a movie that makes you want to eat a lot. Magaling! Day 2 health, fitness and wellness vlog comes out next week. Sorry na sa delay, nabusy as Kakay,” dagdag pa ng aktres sa Instagram.

Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang napa-wow sa mga larawang ito ni Dimples. Ayon pa sa iba, mapagkakamalan lang na magkapatid sila ng kanyang dalagitang anak dahil youthful at bagets na bagets ang awra ngayon ng “Kadenang Ginto” actress.

Read more: “Diet talaga ako, nagbawas ako sa carbs!”- Jane de Leon, Naiyak Matapos Sukatin ang Costume ni Darna

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment