Hindi lingid sa kaalaman ng marami na mabigat ang pinagdadaanan ngayon ng aktres na si LJ Reyes. Ilang buwan na rin ang nakakalipas simula ng makipaghiwalay ito sa kanyang partner na si Paolo Contis matapos mababae ang aktor. Sa ngayon ay nakatira sa New York si LJ, kasama ang dalawa niyang anak na sina Summer at Aki.
Sa kanyang nagdaang interview kay Boy Abunda, ibinahagi ni LJ ang kalagayan nila ngayon sa New York. Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw nagri-reach out si Paolo sa kanya, sa kabila ng pahayag nito sa media na nais pumunta ng New York upang makasama si Summer.
Ang mas nakakagulat pa, mas nauna pa raw mag-reach out ang ex niya na si Paulo Avelino, na tatay rin ng panganay ni LJ na si Aki.

Ayon kay LJ, labis ang pasasalamat niya dahil kinakamusta siya ni Paulo. Nagpahayag rin daw ito ng suporta sa kabila ng mga pinagdadaanan ngayon ni LJ. Labis naman itong na-appreciate ni LJ, lalo pa’t si Paulo ang naunang nag-reach out at nag-message sa kanya sa social media.
“We’re not friends, friends na parang every day nag-uusap, but he’s been there for Aki naman. He’s been in touch, especially… siya yung nag-message sa akin. Siya ang nag-send sa akin ng message. Nagsabi lang siya na, parang, ‘I know you’re going through a very difficult time.’

Pabiro rin siyang tinanong ni Tito Boy kung willing ba siyang pumunta sa Baguio kasama si Paulo ‘as a friend.’ Ayon kay LJ, may mga kamag-anak si Paulo sa Baguio, kaya naman may pamilya rin doon ang anak nila na si Aki.
“Yes Tito Boy, why not? I’m proud of Baguio as a Filipino. Maraming pwedeng puntahan doon, maraming pwedeng kainan, so yes. Actually po, Paulo Avelino is from Baguio. So may family doon si Aki, pupunta talaga kami don. As friends,” dagdag pa ni LJ.
Read More: Friends nga lang ba? Ivana Alawi, Nilinaw ang Kumalat na PDA Moment Nila ni Marco Gumabao


Anong masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment