Isa si Rico Yan sa mga pinakasikat na matinee idols noong ’90s. Sumabak siya sa mundo ng showbiz noong 1995 sa Star Cirle Batch 1. Magmula noon, kinakitaan ng potensyal si Rico na maging isang magaling aktor. Dahil dito ay nagsunod-sunod ang kanyang mga proyekto na talagang pumatok sa takilya at sa puso ng mga manonood.
Kabilang na sa mga pinagbidahan niyang palabas ay “Gimik” (1996), “Mula sa Puso” (1997), at “Saan Ka Man Naroroon” (1999).
Sumikat rin si Rico sa tambalan nila ng kanyang girlfriend noon na si Claudine Barretto. Ngunit noong March 2002 ay binawian si Rico Yan ng buhay sa edad na 27.

Read More: Derek Ramsay, Kakasuhan ang Tabloid na Nagpakalat ng Fake News Tungkol sa Anak ni Ellen!
Kahit pa mahigit dalawang dekada na rin ang nakalipas simula nang pumanaw siya, hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin si Rico sa puso ng mga fans.
Sa katunayan, lagi pa ring inaalala ang legacy ng aktor. At kamakailan lang, tila namalikmata ang mga netizens matapos makilala ang pamangkin ni Rico!
Ayon sa report ng Philippine Entertainment Portal, mukhang may balak ring pumasok sa mundo ng showbiz ang pamangkin ni Rico na si Alfonso Yan-Tueres, o mas kilala bilang Alfy. Siya ang binatang anak ng kapatid ni Rico Yan na si Geraldine. At kahit pa katorse anyos pa lamang ay mukhang may potensyal na si Alfy.


Hindi maiwasang mamalikmata ng mga fans, dahil talaga namang malaki ang pagkakahawig ni Alfy sa kanyang pumanaw sa tiyuhin! May mga netizens rin na nag-collage ng kanilang mga larawan upang maipakita ang pagkakahawig ng dalawa. Ayon pa sa iba ay paniguradong magiging magaling na aktor rin si Alfy, dahil nananalaytay sa dugo nito ang pagiging artista.
Sa ngayon ay paggawa muna ng commercials ang inaatupag ni Alfy. Siya ay kasalukuyang nag-aaral at nasa Grade 8 na. Bukod sa kanyang academic record, maipagmamalaki rin ang galing ni Alfy pagdating sa sports. Sa katunayan, siya ang star player ng kanilang basketball team.

Read Also: ‘Binugbog ang anak ko kahit buntis’- Jaclyn Jose, Nagbabala na Ilalabas ang Baho ni Albie Casino!
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment