Ayon nga sa kasabihan, kayang tiisin ng mga anak ang magulang, ngunit kailanman ay hindi kayang tiisin ng mga magulang ang kanilang anak. Nakakalungkot isipin na may mga anak na kayang tiisin na naghihirap ang kanilang magulang. Gaya na lamang ng nakakahabag na kalagayan ng isang matandang babaeng ito mula sa Agusan del Norte.
Kamakailan lang ay nag-viral sa social media ang kalagayan ng isang matandang babae na di umano’y pinabayaan na ng kanyang mga anak. Ayon sa post, si Nanay Gloria Ybanez ay mula sa Molave, Brgy. Talisay, Agusan del Norte. Sa kanyang edad ay mag-isa na lamang siya sa buhay at walang kasamang kapamilya.

Sa mga viral na larawan, makikitang gumagapang si Nanay Gloria sa lupa. Hindi na raw ito makatayo nang walang tulong, at dahil walang wheelchair o baston man lang ay gumagapang na lamang ito. Ang masaklap pa dito, nagagawa pa daw siyang utusan ng kanyang mga anak sa kabila ng kanyang kalagayan.
“Hindi na siya makatayo kaya naman gumagapang na lamang siya. Inuutan pa di umano ng mga anak si Nanay Gloria kahit na lama nilang nahihirapan na ang kanilang ina. Hindi na rin kaaya-aya ang amoy ni Nanay Gloria dahil hindi man lang daw siya pinapaliguan ng kanyang mga anak at hindi na din siya inaasikaso.”

Bukod pa dito, hindi na rin daw inaasikaso ng mga anak si Nanay Gloria. Kaya naman napapabayaan na rin daw nito ang kanyang sarili, at araw araw ay madumi si Nanay. Nahabag naman ang mga kamag-anak ni Nanay Gloria, kaya’t nanawagan sila sa social media upang matulungan ito.
Silipin ang komento ng mga netizens dito:
“Meron talagang mga anak na matapos mapalaki ng magulang d na iniintindi klgayan walang utang na loob.”
“Nakakaawa nmn c nanay dapat inaalagaan c nanay naawa ako sa kanya.”
“Mga wlang utang na loob na mga anak..balang araw gagapang dn kau sa lupa.”

Read Also: Matapos Gumastos ng P1.5M Para sa Billboard, Xian Gaza, Ini-Snob Lang ni Jennie Kim?
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment