Ilang buwan na rin ang nagdaan simula nang pumanaw ang komedyante at aktres na si Noemi Tesorero, o mas kilala bilang Mahal. Agosto noong mapabalitang binawian ito ng buhay dahil sa kanyang karamdaman. Maraming fans ang nagluksa dahil sa biglaang pagpanaw ni Mahal.
Ngunit bukod sa pamilya at fans nito, isa sa mga labis na naapektuhan ay ang malapit na kaibigan ni Mahal na si Mygz Molino. Sa kanyang mga huling sandali ay hindi naman siya iniwan ng kanyang rumored partner na si Mygz.


Read More: Derek Ramsay, Kakasuhan ang Tabloid na Nagpakalat ng Fake News Tungkol sa Anak ni Ellen!
Sumikat ang mag-tandem sa kanilang Youtube channel dahil sa kanilang mga nakakatuwang vlogs. Kapansin-pansin rin ang pagiging malapit ng dalawa sa isa’t-isa, bagay na kinakiligan naman ng mga fans.
“Hindi mawawala sa akin yung mga tawa niya, ngiti niya. Yung mga binibigay niyang kasiyahan, sa pamilya ko, sa mga taong sumusuporta sa kanya.
“Sa bahay kasi, nakikita mo siya kahit saan. Kaya minsan, hindi na ako natambay sa bahay. Naalala ko palagi siya. Sobrang hirap niyang kalimutan. Hindi pa ako naka-move on sa nangyari sa kanya,” pahayag ni Mygz.

Ngunit sa kabila ng kanyang lungkot at pighati, nangako naman si Mygz na itutuloy niya pa rin ang Youtube channel nila ni Mahal. Ayon dito, itutuloy niya ang pagtulong sa mga nangangailangan, dahil paniguradong sasaya si Mahal kapag nakitang maraming tao ang napapasaya nila.
“Ituloy pa rin, kasi mas nagugustuhan niya yung mga gagawin namin sana ngayon, yung pagtulong, yung pagbigay sa mga nangangailangan. At alam ko po hindi naman kayo bibitaw para sa amin, para sa akin. Kung ano man po yung nasimulan, gagawin at gagawin po namin hanggang sa dulo. Itong gagawin ko po ay alay kay Mahal.”
Read Also: ‘Binugbog ang anak ko kahit buntis’- Jaclyn Jose, Nagbabala na Ilalabas ang Baho ni Albie Casino!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment