Vhong Navarro, Ibinuking na Mababa Lamang ang Sweldo Niya sa "Showtime" Ngayon

Magdadalawang taon na rin ang nakalipas simula nang ipasara ang ABS-CBN network. Dahil sa ABS-CBN shutdown ay naapektuhan rin ang maraming shows at production staff nito. Kinailangang mag-cut ng budget lalo pa’t nawala ang major source of income ng network. Ngunit kasama ba dito ang pagbabawas ng sahod ng mga artista?

Kamakailan lang, usap-usapan sa social media ang pahayag na ito ni Vhong Navarro sa noontime variety show na “It’s Showtime.”

Napaisip ang mga netizens kung mababa nga ba ang sahod ng mga hosts sa programang ito, dahil nagbiro si Vhong na malungkot siya dahil sa kanyang sweldo.

Read More: “Squid Game” Star Wi Ha-Joon, Nag-React sa Halloween Costume ni Darren Espanto!

Nagkamustahan si Vhong at ang nobyo ng isang contestant. Nang kamustahin ang kalagayan ni Vhong, pabiro nitong sinabi na hindi mabuti ang kanyang kalagayan dahil sa baba ng kanyang sweldo sa “It’s Showtime.” Agad namang tumawa ang hosts at natawa rin ang mga studio audience dahil sa birong ito ni Vhong.

Ngunit binasag naman ng co-host niya na si Vice Ganda ang biro ni Vhong. Tila pinabulaanan ni Vice ang sinabi ni Vhonh na mababa lamang ang sahod nito sa show. Sa katunayan, ibinunyag ni Vice na sa lahat ng mga hosts ay si Vhong Navarro ang may pinakamalaking talent fee.

Ayon pa kay Vice, tuwing mayroon silang performance sa show ay si Vhong ang mayroong pinakamaliit na part. Kumakanta lamang daw ito, at kung minsan ay kahati pa niya sa number si Jhong Hilario. Sa kabila noon ay mataas pa rin daw ang sweldo nito.

“Hindi totoo yan. Kung sino yung sikat siya yung malaki yung part? Ah hindi totoo yan. Pag kumakanta tayo ang liit ng part nito, ikaw pinakamalaki sweldo rito pinakamaliit kinakanta mo. Ang liit ah, dalawa pa sila ni Jhong. Sabi ko, ‘Ang daya nito ah,'” pabirong dagdag pa ni Vice.

Read More: Jane de Leon, Nag-Abot ng Tulong sa Food Panda Rider na Nag-Aalaga ng Anak Habang May Duty!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment