Bea Alonzo, May Emosyonal na Mensahe kay John Lloyd sa Paglipat Nito sa GMA 7

Opisyal na ang paglipat ng aktor na si John Lloyd Cruz sa GMA Network. Matapos ang showbiz hiatus niya noong 2017, sa wakas ay muling mapapanood sa mainstream media ang premyadong aktor. Kamakailan lang ay pumirma na ito ng kanyang exclusive contract bilang isang Kapuso. Nakatanggap naman siya ng warm welcome mula sa mga GMA executives.

Ngunit bukod sa mga top executives ng Kapuso network, kabilang sa mga excited sa career move na ito ni John Lloyd ay ang matalik niyang kaibigan na si Bea Alonzo.

Matatandaang noong July nang pumirma si Bea ng kontrata sa GMA 7. Masaya niya ring winelcome si John Lloyd sa paglipat nito.

Read More: “Squid Game” Star Wi Ha-Joon, Nag-React sa Halloween Costume ni Darren Espanto!

“Hi Idan, ito na naman tayo, magkasama na naman tayo mukhang totoo yata yung sinabi nila na magkadugtong yung bituka nating dalawa. First of all, welcome to GMA. I cannot wait for everyone to see and experience the greatness of a John Lloyd Cruz just like I did through the years.”

Sa kabilang banda, ayon kay John Lloyd ay excited na siya sa kanyang bagong home network. Ilang dekada ring naging Kapamilya si John Lloyd, bago ito tuluyang lumipat sa GMA 7. Dagdag pa niya, excited na siyang makatrabaho ang mga creative teams para sa kanyang bagong proyekto.

“Napakalaking bagay na nakahanap kami ng tahanan sa GMA. I’m excited about the new energy, the new set of creative minds, mainly yun. Not just the actors, not just the directors, mostly the writers, the creators.. they take up that space,” pahayag ni John Lloyd sa kanyang contract signing sa Edsa Shangri-La Hotel.

Maraming Kapuso stars rin ang nag-welcome sa aktor. Kabilang na sa kanila sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Ai-Ai delas Alas, Pokwang, Andrea Torres, Gabbi Garcia, Barbie Forteza, Sanya Lopez, Ruru Madrid at si Julie Anne San Jose.

Read More: Jane de Leon, Nag-Abot ng Tulong sa Food Panda Rider na Nag-Aalaga ng Anak Habang May Duty!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment