Ayon nga sa kasabihan, ang asawa mo ang magiging kasangga mo sa buhay. Ano man ang pagsubok ang dumating sa inyong pagsasama, dapat ay suportahan niyo ang isa’t-isa. Dito rin masusukat kung gaano katatag ang inyong pagsasama. Kamakailan lang, ipinakita ng aktor na si Bugoy Carino ang pagmamahal niya sa kanyang partner.
Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang relasyon ni Bugoy at ng professional volleyball player na si EJ Laure. Ang Kapamilya actor ay 19-anyos, samantalang 24 naman si Laure. Sa kabila ng kanilang 5-year age gap, pinatunayan ni Bugoy na mahal na mahal niya ang kanyang girlfriend.


Matapos ibunyag ng dalawa na mayroon na silang anak, nakatanggap ng pambabash sa social media si Laure. Ayon sa mga netizens, 15 pa lamang si Bugoy nang magsimula ang relasyon nila. Ngunit sa kabila ng mga masasakit na salitang ito, pinatunayan ni Bugoy na hindi niya iiwan si Laure.
“Mukha daw bakla, mukhang nanay, wala daw laman parang pader daw. Ok na yung ganyan kesa naman sa ibang babae na puro ganda at laki ng osus lang laban. Sa panahon ngayon, di mo kelangan mag jowa ng matsura o malaki cocomelon, mas masarap mahalin yung madiskarte at hindi maarte, at syempre loyal.”

Dagdag pa ni Bugoy, kahit pa anong sabihin ng mga bashers tungkol sa kanyang asawa ay dedma lang siya, dahil siya lang naman ang tunay na nakakakilala sa kalooban nito. Kinilig naman ang mga fans ng dalawa sa napakasweet na mensaheng ito ni Bugoy.
“Kahit ano man sabihin satin ng iba, ang mahalaga nagmamahala at masaya tayo sa isa’t-isa,” dagdag pa niya. Sa kabilang banda, biniyayaan naman sila ng isang napakacute na baby girl na pinangalanan nilang Scarlet.
Read Also: Matapos Gumastos ng P1.5M Para sa Billboard, Xian Gaza, Ini-Snob Lang ni Jennie Kim?


Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment