Buong sambayanan na naman ang nakatutok sa reality program na “Pinoy Big Brother.” Sa bagong season ay muli na namang inaabangan ng mga viewers ang kaganapan sa loob ng bahay ni Kuya. At dahil 24 hours na nakamasid ang sambayanan, lahat ng kilos at galaw ng mga housemates sa Bahay ni Kuya ay napapansin ng mga viewers.
Kabilang na ang Kapamilya actress na si Alexa Ilacad sa mga napabilang na housemates sa bagong season. Kamakailan lang, naging usap-usapan sa social media ang aktres dahil sa isang video na ito. Ayon sa mga netizens, may napansin silang kakaibang ginagawa ni Alexa sa kanyang kapwa housemate.


Read More: Bea Alonzo, May Emosyonal na Mensahe kay John Lloyd sa Paglipat Nito sa GMA 7
Sa nasabing video, ayon sa mga netizens ay kapansin-pansin ang di umano’y pagiging bossy ng dating ‘Goin’ Bulilit’ star. Sa viral video, makikitang magkasama ang mga housemates sa living area at nagba-bonding.
Nakaupo naman si Alexa sa sofa, at napapagitnaan siya ng fellow housemates na sina Eian Rances at Albie Casino. Ngunit habang busy ang ibang housemates sa pagdadaldalan, hindi mapigilang mapansin ng mga netizens na tila ‘busy’ ang kamay nio Alexa.
Napansin nila ang pwesto ng kamay nito na natatabunan ng unan. Napansin rin na tila gumagalaw ang kanyang braso, at ayon sa mga netizens ay tila may inaabot siya.

Nang inangat ni Eian ang unan ay nakitang nakalapag sa sofa ang kamay ni Alexa. Ayon sa ibang netizens, napakalapit na ng kamay ng aktres sa binti ni Eian. Ngunit mukhang wala itong malisya para sa dalawa, lalo pa’t masaya rin silang nagku-kwentuhan kasama ang ibang housemates.
Agad namang ipinagtanggol ng mga fans ang aktres. Ayon sa kanila, masyado lamang binibigyang malisya ng mga netizens ang simpleng kilos ng dalaga.
Read More: Kilalanin ang Non-Showbiz Girlfriend na Nagpapatibok ng Puso Ngayon ni Zaijan Jaranilla

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment