Kilalanin ang Non-Showbiz Girlfriend na Nagpapatibok ng Puso Ngayon ni Zaijan Jaranilla

Naaalala niyo pa ba si Zaijan Jaranilla? Sino nga bang mag-aakala na ang talentadong child star na ito ay binata na ngayon? Taong 2009 nang gumanap si Zaijan bilang si “Santino” sa hit drama series ng ABS-CBN na “May Bukas Pa.” Ito rin ang maituturing na big break niya, at nagsimulang umarangkada ang career ni Zaijan sa showbiz.

Dahil sa kanyang charm at talento sa pag-arte, isa si Zaijan sa mga pinakasikat na child actors noon. Bukod sa “May Bukas Pa,” bumida rin si Zaijan sa iba’t-ibang series at pelikula. At habang mas nagkaka-edad ito ay sinusubaybayan rin ng mga fans ang personal na buhay ng aktor.

Read More: “Squid Game” Star Wi Ha-Joon, Nag-React sa Halloween Costume ni Darren Espanto!

Talagang malayo na nga ang narating ni Zaijan. Ngunit kahit pa ilang taon na ang lumipas, lagi pa rin itong inspired sa trabaho.

Isa sa mga pinaghuhugutan niya ng lakas ay ang kanyang pamilya. Ngunit bukod dito ay may babae ring nagpapatibok sa puso ngayon ng dating child actor.

Sa social media ay ipinakilala ni Zaijan ang kanyang non-showbiz girlfriend na walang iba kundi si Dian Anes. Madalas rin silang mag-bonding sa mga dance videos na ibinabahagi nila sa TikTok. Halos hindi maka move on ang mga netizens, lalo pa’t parang halos kailan lang ay bata pa si Zaijan.

Sa kanyang nakaraang interview sa talk show na “Magandang Buhay,” ibinahagi ni Zaijan na mahigit isang taon na rin ang relasyon nila ng kanyang non-showbiz girlfriend. Malaki rin daw ang naitutulong nito sa kanya dahil talaga namang nai-inspire siya lalo tuwing naiisip niya si Dian.

“One year and one month na po kami. Sobra po siyang inspirasyon. Nakakatulong po siya sa akin. Parang mas inspired ako sa pang araw araw. Kapag gumigising ako tapos alam ko na may nagmamahal sa akin, tapos may naghihintay sa akin,” dagdag pa ni Zaijan.

Read More: Jane de Leon, Nag-Abot ng Tulong sa Food Panda Rider na Nag-Aalaga ng Anak Habang May Duty!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment