Coleen Garcia, Binalaan ang mga Netizens sa Contractor na Nang-Scam sa Kanila ni Billy!

Nagbabala ang Kapamilya actress na si Coleen Garcia sa isang contractor na di umano’y nang-scam sa kanila ni Billy Crawford. Idinetalye ni Coleen kung paano sila niloko at tinakbuhan ng contractor na si Marco Arcolas. Nagbabala rin ang aktres dahil di umano’y ginagamit ni Arcolas ang pangalan nilang mag-asawa upang makapanloko pa ng ibang tao.

Ayon kay Coleen, ipinakilala lamang sa kanila ng isang family friend si Arcolas. Noong mga panahong iyon ay alam na nila ang reputasyon nito, ngunit binigyan nila ito ng chance. Inamin rin ni Coleen na pinagsisihan nila ang desisyong ito matapos silang lokohin ng contractor.

Read More: Vhong Navarro, Ibinuking na Mababa Lamang ang Sweldo Niya sa “Showtime” Ngayon

“Marco Arcolas is, by profession, a contractor. He is also a huge SCAMMER. Before hiring him, we were warned. But since he was very convincing and is considered a friend to someone in the family, we decided to give him the benefit of the doubt. But this man is straight up criminal, and we are doing our part to ensure that he will be treated as such.”

Sa kanyang post, idinetalye ng aktres kung paano sila tinakbuhan ni Arcolas. Ayon kay Coleen, hindi maayos ang pagkakagawa ni Arcolas sa finishings ng kanilang bahay.

Nag-resulta daw ito sa mga damages na umabot rin ng milyon. Ginamit rin daw ni Arcoles ang pangalan ng tatay ni Coleen upang makahanap ng ibang kliyente.

Nagawa pa raw nitong baliktarin ang sitwasyon, at sabihing si Coleen at Billy ang may unpaid dues sa kanya. Dahil dito ay desidido ang celebrity couple na magsampa ng reklamo laban kay Arcolas. Binalaan rin ni Coleen ang mga netizens na wag magpaloko dito.

“I hate seeing that, after everything, he still hasn’t learned and is still scamming people. He has no accountability whatsoever, he’s still full of lies and deceit. I rarely speak up on these things but he is too much already. And yes, we will take action. It’s always been the plan, but we just felt sorry for him,” dagdag pa ni Coleen.

Read Also: Grab Driver na Nabaril ng mga Pulis, Emosyonal Matapos Bisitahin ni Jake Cuenca

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment