Ilang buwan na ang nakakalipas simula nang maghiwalay ang celebrity couple na sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Matapos ikasal ang dalawa sa kanilang mala-fairytale na wedding noong 2019, inakala ng karamihan na forever na ang pagsasama nila. Nabiyayaan rin sila ng dalawang anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.
Ngunit noong July 2021 lang ng pumutok ang balita na hiwalay na ang dalawa. Ang ama ni Kylie na si Robin Padilla ang nagsiwalat nito.
Ayon kay Robin, may third party na involved sa hiwalayan ng dalawa, at sa ngayon ay nagko-co parenting sila para sa kapakanan ng kanilang mga anak.


Read More: “Hindi ka nga gusto ng boyfriend ko!”- Barbie Imperial, Tinawag na Kabit si AJ Raval!
Matapos ang isyu, muling nagkaroon ng heart-to-heart talk ang mag-ama na ibinahagi sa kanilang Youtube channel. Sa kanilang interview, ibinahagi ni Kylie na labis niyang na-miss kausap ang kanyang tatay dahil pakiramdam niya ay bumabalik siya sa pagkabata tuwing kaharap niya ito.
Tinanong rin ni Robin kung ano na ang estado ni Kylie at Aljur ngayon. Diretsahan naman itong sinagot ni Kylie, at hindi niya mapigilang maging emosyonal habang inaalala ang kanyang estranged husband, “Oo. Okay na kami. Yes, okay na kami. Thank God,” dagdag pa nito.

Dagdag pa ni Kylie, minsan ay nalulungkot siyang panoorin ang kanilang mga anak na hindi kasama si Aljur. Wala na rin daw pag-asa na magkabalikan pa sila dahil sa mga pinagdaanan nila na labis na nakaapekto sa pagsasama nila.
“It’s best for what it is now kasi tinitignan ko rin. In the future, maging friends kami talaga. Naging klaro lang kung nasaan yung priorities niya, so it made it more clear to me.
Kaya nga I have no shame in saying na ini-stalk ko pa rin kasi gusto kong makita na ‘Oh, okay masaya sila’ na buo pa rin yung relasyon nila bilang mag-tatay so happy na ako.”
Read More: “Walang Pahinga”- Netizens, Nagbiro Matapos Itong Sabihin ni AJ Raval kay Wilbert Ross

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment