Isa sa mga pinakasikat na serye ngayon sa Netflix ang Korean drama na “Squid Game.” Sa katunayan, ayon sa mga reports ay isa ito sa mga highest-grossing at most-viewed series ngayon sa movie platform. At dahil sa kasikatan ng palabas na ito, marami itong fans hindi lamang sa Korea, kundi maging sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Sa katunayan, nitong nakaraang Halloween ay maraming pumili ng “Squid Game” para sa kanilang costume. Maging ang mga Pinoy celebrities ay hindi rin nagpahuli sa craze na ito. Kabilang sa mga nag-costume ng “Squid Game” ay sina Angel Locsin, Billy Crawford, Coleen Garcia, at Darren Espanto.

Para sa kanyang Halloween costume, nag-dress up si Darren bilang si undercover officer Hwang Jun-Ho. Kumpleto sa costume, maskara, at props si Darren! Maging ang hairstyle ng aktor na si Wi Ha Joon ay ginaya rin ni Darren para sa kanyang costume. Kasama niya ring nag-dress up ang Myx VJ na si Robi Domingo.
Si Robi naman ay nag-dress up bilang isang contestant na nakasuot ng green tracksuit. Agad namang nag-viral sa social media ang effortless costume na ito ni Darren. Ayon sa mga fans ng “Squid Games” sa Twitter, malaki ang pagkakahawig ni Darren sa orihinal na aktor na gumanap bilang si officer Jun-Ho.


Ngunit ang best reaction ay galing mismo sa aktor na si Wi Ha-Joon. Sa Twitter, excited na ibinahagi ni Darren na ni-like ng Korean actor ang kanyang post sa Instagram. Wala namang mapaglagyan ng tuwa si Darren, lalo pa’t approved ng “Squid Game” star ang kanyang costume.
“SA WAKAS!!!! Nakita ka na ng kuya mo, matagal ka na niyang hinahanap. HAHAHA de jk!”
“Grabeee sobrang nakaka-proud! Congrats, D!”
“Yayy!! Congrats D! Dasurvvv! Hawig mo naman talaga! And ang ganda ng bahay na naging studio at ang galing pa ng photographer mo, diba.”

Read Also: Matapos Gumastos ng P1.5M Para sa Billboard, Xian Gaza, Ini-Snob Lang ni Jennie Kim?
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment